Teaching Potential Leaders How To Steward Their Credibility
DAILY DEVOTIONAL (10-21-2021)
1 Here is a trustworthy saying: Whoever aspires to be an overseer desires a noble task. 2 Now the overseer is to be above reproach, faithful to his wife, temperate, self-controlled, respectable, hospitable, able to teach, 3 not given to drunkenness, not violent but gentle, not quarrelsome, not a lover of money. 4 He must manage his own family well and see that his children obey him, and he must do so in a manner worthy of full respect. 5 (If anyone does not know how to manage his own family, how can he take care of God’s church?) 6 He must not be a recent convert, or he may become conceited and fall under the same judgment as the devil. 7 He must also have a good reputation with outsiders, so that he will not fall into disgrace and into the devil’s trap. (1 Timothy 3:1-7)
1 Totoo ang pahayag na ito: Ang sinumang nagnanais na maging tagapangasiwa sa iglesya ay naghahangad ng mabuting gawain. 2 Kaya nga, ang isang tagapangasiwa ay kailangang walang kapintasan; isa lamang ang asawa, matino ang pag-iisip, marunong magpigil sa sarili, kagalang-galang, bukás ang tahanan sa iba, at may kakayahang magturo. 3 Dapat hindi siya lasenggo, hindi marahas kundi mahinahon; hindi mahilig makipag-away at hindi maibigin sa salapi. 4 Dapat mahusay siyang mamahala sa sariling pamilya, iginagalang at sinusunod ng kanyang mga anak. 5 Sapagkat paano siyang makakapangasiwa nang maayos sa iglesya ng Diyos kung hindi niya mapamahalaan ang sarili niyang pamilya? 6 Hindi siya dapat isang baguhang mananampalataya; baka siya’y maging palalo at mahatulan na gaya ng diyablo. 7 Bukod dito, kailangang mabuti ang pagkakilala sa kanya ng mga hindi sumasampalataya upang hindi siya mapintasan at hindi mahulog sa bitag ng diyablo. (1 Timoteo 3:1-7)
Paliwanag
Bilang mga espirituwal na mga nilalang, tayo ay meron kaluluwa. Para maging katiwa-tiwala ang isang leader, kailangan marunong siya mag-alaga ng sarili niyang kaluluwa. Ito lang ang tanging paraan para siya ay magkaroon ng impluwensiya sa ibang tao. Kapag hindi siya katiwa-tiwala, kahit meron siya titolo o posisyon, hindi pa rin siya pakikinggan ng mga tao.
Gabay para sa Small Group Discussion
Step 1 – Basahin ang konteksto (1 Timoteo 3:1-7).
Step 2 – Pakinggan ang devotional nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ito.
1. Bakit mahalaga na katiwa-tiwala ang isang leader?
2. Ano ang susi para siya ay maging katiwa-tiwala?
3. Paano tayo lalago para maging katiwa-tiwala sa kapwa?
Main Idea: “Para maging katiwa-tiwala ang isang leader, kailangan marunong siya mag-alaga ng sarili niyang kaluluwa.” (“To be credible, a leader must know how to practice personal soul care.”)
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.