Teaching Potential Leaders How To Pursue Life-Giving Relationships
DAILY DEVOTIONAL (10-22-2021)
12 When he had finished washing their feet, he put on his clothes and returned to his place. “Do you understand what I have done for you?” he asked them. 13 “You call me ‘Teacher’ and ‘Lord,’ and rightly so, for that is what I am. 14 Now that I, your Lord and Teacher, have washed your feet, you also should wash one another’s feet. 15 I have set you an example that you should do as I have done for you. 16 Very truly I tell you, no servant is greater than his master, nor is a messenger greater than the one who sent him. 17 Now that you know these things, you will be blessed if you do them. (John 13:12-17)
12 Nang mahugasan na ni Jesus ang kanilang mga paa, muli niyang isinuot ang kanyang balabal at nagbalik sa kinaupuan niya. Sinabi niya sa kanila, “Nauunawaan ba ninyo kung ano ang ginawa ko sa inyo? 13 Tinatawag ninyo akong Guro at Panginoon, at tama kayo, sapagkat ganoon nga ako. 14 Kung ako ngang Panginoon at Guro ninyo ay naghugas ng inyong mga paa, dapat din ninyong hugasan ang mga paa ng isa’t isa. 15 Binigyan ko kayo ng halimbawa upang inyong tularan. 16 Pakatandaan ninyo, ang alipin ay hindi nakakahigit sa kanyang panginoon, ni ang sinugo kaysa sa nagsugo sa kanya. 17 Ngayong alam na ninyo ito, pinagpala kayo kung ito’y gagawin ninyo. (Juan 13:12-17)
Paliwanag
Ang akala ng marami ang pagiging leader ay may kinalaman lamang sa pamumuno o pagtuturo. Madalas ang ginagawa lamang ng mga leader ay magsalita. Kailangan matutunan ng mga magiging leader hindi lamang ang mamuno kundi ang magmahal tulad ni Jesus. Hindi lamang pangangasiwa ng isang small group meeting ang kailangan. Ang kailangan ay tunay na paglilingkod sa kapwa.
Gabay para sa Small Group Discussion
Step 1 – Basahin ang konteksto (Juan 13:12-17).
Step 2 – Pakinggan ang devotional nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ito.
1. Ano ang madalas na akala ng mga tao patungkol sa pagiging isang leader?
2. Ano ang ipinakita ni Jesus na halimbawa para sa lahat na gusto maging leader?
3. Ano ang dapat natin gawin sa pagsasanay ng mga magiging leader?
Main Idea: “Kailangan matutunan ng mga magiging leader hindi lamang ang mamuno kundi ang magmahal tulad ni Jesus.” (“Potential leaders must learn not just to lead but to love like Jesus.”)
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.