Giving Potential Leaders A Vision For Servant Leadership
DAILY DEVOTIONAL (10-20-2021)
42 Jesus called them together and said, “You know that those who are regarded as rulers of the Gentiles lord it over them, and their high officials exercise authority over them. 43 Not so with you. Instead, whoever wants to become great among you must be your servant, 44 and whoever wants to be first must be slave of all. 45 For even the Son of Man did not come to be served, but to serve, and to give his life as a ransom for many.” (Mark 10:42-45)
42 Kaya’t pinalapit sila ni Jesus at sinabi, “Alam ninyo na ang mga itinuturing na pinuno ng mga Hentil ay namumuno bilang mga panginoon sa kanila, at ang kagustuhan ng mga nasa kapangyarihan ang siyang nasusunod. 43 Ngunit hindi ganyan ang dapat umiral sa inyo. Sa halip, ang sinuman sa inyo na nais maging dakila ay dapat maging lingkod ninyo, 44 at ang sinumang nais maging pinuno ay dapat maging alipin ng lahat. 45 Sapagkat ang Anak ng Tao ay naparito hindi upang paglingkuran kundi upang maglingkod at upang mag-alay ng kanyang buhay para sa ikatutubos ng marami.” (Marcos 10:42-45)
Paliwanag
Ang pananaw patungkol sa pamumuno ng karamihan ay madalas ayon sa pamamaraan ng mundong ito. Dapat itong baguhin sa tulong ng Panginoon. Ang pamumuno ay hindi patungkol sa posisyon o kapangyarihan kundi sa pag-uugali ng paninilbihan sa kapwa. Ito ang dapat ituro sa mga taong nagnanais maging leader kahit sa anumang sektor ng lipunan at lalo na sa komunidad ng mga mananampalataya.
Gabay para sa Small Group Discussion
Step 1 – Basahin ang konteksto (Marcos 10:42-45).
Step 2 – Pakinggan ang devotional nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ito.
1. Ano ang madalas na pananaw ng mga tao patungkol sa pagiging isang leader?
2. Bakit mahalaga na maunawaan ng mga tao na ang pagiging isang leader ay hindi patungkol sa posisyon o kapangyarihan?
3. Paano natin ito ipatutupad sa ating grupo?
Main Idea: “Ang pamumuno ay hindi patungkol sa posisyon o kapangyarihan kundi sa pag-uugali ng paninilbihan sa kapwa.” (“Leadership is not about position or power but a posture of serving others.”)
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.