Making Sure Everyone Has Strong Roots
DAILY DEVOTIONAL (9-20-2021)
20 Some of them, however, men from Cyprus and Cyrene, went to Antioch and began to speak to Greeks also, telling them the good news about the Lord Jesus. 21 The Lord’s hand was with them, and a great number of people believed and turned to the Lord. 22 News of this reached the church in Jerusalem, and they sent Barnabas to Antioch. 23 When he arrived and saw what the grace of God had done, he was glad and encouraged them all to remain true to the Lord with all their hearts. 24 He was a good man, full of the Holy Spirit and faith, and a great number of people were brought to the Lord. 25 Then Barnabas went to Tarsus to look for Saul, 26 and when he found him, he brought him to Antioch. So for a whole year Barnabas and Saul met with the church and taught great numbers of people. The disciples were called Christians first at Antioch. (Acts 11:20-26)
20 Subalit may kasama silang ilang mga taga-Cyprus at mga taga-Cirene na pagdating sa Antioquia ay ipinangaral din sa mga Griego ang Magandang Balita tungkol sa Panginoong Jesus. 21 Nasa kanila ang kapangyarihan ng Panginoon, at maraming naniwala at sumunod sa Panginoong Jesus. 22 Nang mabalitaan ito ng iglesya sa Jerusalem, isinugo nila sa Antioquia si Bernabe. 23 Nang dumating siya roon at makita ang pagpapala ng Diyos sa kanila, siya’y nagalak at pinagpayuhan silang lahat na manatiling tapat sa Panginoon nang buong puso. 24 Mabuting tao si Bernabe, puspos ng Espiritu Santo at ng pananampalataya sa Diyos. At marami pang tao ang sumampalataya sa Panginoon. 25 Nagpunta si Bernabe sa Tarso upang hanapin si Saulo, 26 at nang kanyang matagpuan ay isinama niya ito sa Antioquia. Isang taon silang nanatili roon na kasa-kasama ng iglesya, at nagtuturo sa maraming tao. Doon sa Antioquia unang tinawag na Cristiano ang mga tagasunod ni Jesus. (Gawa 11:20-26)
Paliwanag
Hindi lahat ng nag-aakalang Kristiyano na sila ay Kristiyano na talaga. Minsan napapasama lamang sila sa mga gawain ng mga Kristiyano ngunit sila mismo ay hindi pa talaga nakakaunawa ng Mabuting Balita at nananampalataya kay Jesus bilang Panginoon nila at Tagapagligtas. Tanging pananampalataya lamang sa Mabuting Balita ang makapagbibigay nang matibay na pundasyon sa buhay ng isang tao. Siya lamang talaga ang tunay na Kristiyano sa isip at gawa.
Gabay para sa Online Small Group Discussion
Step 1 – Basahin ang konteksto (Gawa 11:20-26).
Step 2 – Pakinggan ang devotional nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ito.
1. Bakit mahalaga na maunawaan at panampalatayaan ang Mabuting Balita para maging isang tunay na Kristiyano?
2. Ano ang mga palatandaan na hindi pa nangyayari ito sa buhay ng isang tao?
3. Paano natin masisigurado sa grupo natin na lahat ay nakauunawa at nananampalataya sa Mabuting Balita?
Main Idea: “Tanging pananampalataya lamang sa Mabuting Balita ang makapagbibigay sa isang tao ng matibay na ugat.” (“Only faith in the Gospel can give a person strong roots.”)
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.