Making Sure Everyone Has The Holy Spirit
DAILY DEVOTIONAL (9-21-2021)
1 While Apollos was at Corinth, Paul took the road through the interior and arrived at Ephesus. There he found some disciples 2 and asked them, “Did you receive the Holy Spirit when you believed?” They answered, “No, we have not even heard that there is a Holy Spirit.” 3 So Paul asked, “Then what baptism did you receive?” “John’s baptism,” they replied. 4 Paul said, “John’s baptism was a baptism of repentance. He told the people to believe in the one coming after him, that is, in Jesus.” 5 On hearing this, they were baptized in the name of the Lord Jesus. 6 When Paul placed his hands on them, the Holy Spirit came on them, and they spoke in tongues and prophesied. 7 There were about twelve men in all. (Acts 19:1-7)
1 Habang nasa Corinto si Apolos, tinahak naman ni Pablo ang iba’t ibang dako ng lalawigan hanggang sa siya’y makarating sa Efeso. May natagpuan siya roon na ilang alagad 2 at sila’y tinanong niya, “Tinanggap ba ninyo ang Espiritu Santo nang kayo’y sumampalataya?” “Hindi po, ni hindi namin narinig na may Espiritu Santo pala,” tugon nila. 3 “Kung gayon, anong uri ng bautismo ang tinanggap ninyo?” tanong niya. “Bautismo ni Juan,” tugon nila. 4 Kaya’t sinabi ni Pablo, “Binautismuhan ni Juan ang mga nagsisi at tumalikod sa kasalanan. Ipinangaral niya sa mga Israelita na sila’y sumampalataya kay Jesus, ang dumarating na kasunod niya.” 5 Nang marinig nila iyon, nagpabautismo sila sa pangalan ng Panginoong Jesus. 6 Nang ipatong ni Pablo ang kanyang kamay sa kanila, bumabâ sa kanila ang Espiritu Santo at sila’y nagsalita ng iba’t ibang wika at nagpahayag ng mensahe mula sa Diyos. 7 Humigit-kumulang sa labindalawang lalaki ang nagpabautismo. (Gawa 19:1-7)
Paliwanag
Hindi mararanasan ng mga tao ang tunay na kaligtasan kung wala sa kanila ang Banal na Espiritu. Siya lamang ang tanging paraan para mangyari ang kalooban ng Diyos. Ang Banal na Espiritu ay regalo ng Diyos sa mga taong tunay na nanampalataya kay Jesus. Hindi tao ang nagbibigay ng karanasan na ito. At kapag ang Espiritu Santo ay ibinigay sa tao, malalaman niya ito. Hindi kinakailangan na sabihin ninuman.
Gabay para sa Online Small Group Discussion
Step 1 – Basahin ang konteksto (Gawa 19:1-7).
Step 2 – Pakinggan ang devotional nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ito.
1. Bakit kinakailangan malaman kung ang bawat isa ay nakatanggap na ng Espiritu Santo?
2. Ano ang mga dapat tatandaan patungkol sa karanasan na ito?
3. Kumusta na ang bawat isa sa atin? Masasabi ba natin na natanggap natin ang Espiritu Santo?
Main Idea: “Kailangan ng lahat ang Banal na Espiritu upang maranasan ang tunay na kaligtasan.” (“Everyone needs the Holy Spirit to experience true salvation.”)
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.