Encouraging Spiritual Leaders Who Join The Harvest
DAILY DEVOTIONAL (9-17-2021)
40 “Anyone who welcomes you welcomes me, and anyone who welcomes me welcomes the one who sent me. 41 Whoever welcomes a prophet as a prophet will receive a prophet’s reward, and whoever welcomes a righteous person as a righteous person will receive a righteous person’s reward. 42 And if anyone gives even a cup of cold water to one of these little ones who is my disciple, truly I tell you, that person will certainly not lose their reward.” (Matthew 10:40-42)
40 “Ang tumatanggap sa inyo ay tumatanggap sa akin, at ang tumatanggap sa akin ay tumatanggap sa nagsugo sa akin. 41 Ang tumatanggap sa isang propeta dahil sa ito’y propeta ay tatanggap ng gantimpalang nauukol sa propeta; at ang tumatanggap sa isang taong matuwid dahil sa ito’y matuwid ay tatanggap ng gantimpalang nauukol sa taong matuwid. 42 Tandaan ninyo: sinumang magbigay ng kahit isang basong malamig na tubig sa isa sa mga maliliit na ito dahil sa siya’y alagad ko, siya’y tiyak na tatanggap ng gantimpala.” (Mateo 10:40-42)
Paliwanag
Dapat natin tatandaan na hindi sayang ang lahat ng paghihirap at sakripisyo natin sa pagbabahagi ng Mabuting Balita. Ang lahat ng ito ay may gantimpala mula sa Panginoon. Maging ang mga tumatanggap sa ating mensahe o tumutulong sa pagbabahagi ng salita ng Diyos ay may gantimpala. Kaya, dapat tayong magpatuloy at huwag sumuko kahit meron mga pansamantalang kahirapan o pagsubok. Ipahayag natin ang Mabuting Balita sa lahat ng tao!
Gabay para sa Online Small Group Discussion
Step 1 – Basahin ang konteksto (Mateo 10:40-42).
Step 2 – Pakinggan ang devotional nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ito.
1. Ano ang maaari natin asahan bilang mga tagapamahagi ng Mabuting Balita? Ano rin ang maaari asahan ng mga tumatanggap sa ating mensahe at pati na rin ang mga tumutulong sa pagpapalaganap nito?
2. Bakit kailangan malaman natin ito?
3. Paano natin mapapalaganap ang Mabuting Balita ngayon?
Main Idea: “Hindi sayang ang lahat ng paghihirap at sakripisyo sa pagbabahagi ng Mabuting Balita.” (“Sharing the Gospel is all worth the effort and sacrifice.”)
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.