Teaching Spiritual Leaders To Follow Christ Whatever The Cost
DAILY DEVOTIONAL (9-16-2021)
34 “Do not suppose that I have come to bring peace to the earth. I did not come to bring peace, but a sword. 35 For I have come to turn ‘a man against his father, a daughter against her mother, a daughter-in-law against her mother-in-law — 36 a man’s enemies will be the members of his own household.’ 37 Anyone who loves their father or mother more than me is not worthy of me; anyone who loves their son or daughter more than me is not worthy of me. 38 Whoever does not take up their cross and follow me is not worthy of me. 39 Whoever finds their life will lose it, and whoever loses their life for my sake will find it.” (Matthew 10:34-39)
34 “Huwag ninyong isiping naparito ako upang magdala ng kapayapaan sa lupa; naparito ako upang magdala ng tabak, hindi kapayapaan. 35 Naparito ako upang paglabanin ang anak na lalaki at ang kanyang ama, ang anak na babae at ang kanyang ina, at ang manugang na babae at ang kanyang biyenang babae. 36 At ang magiging kaaway ng isang tao ay kanya na rin mismong mga kasambahay. 37 “Ang umiibig sa kanyang ama o ina nang higit sa akin ay hindi karapat-dapat sa akin. Ang umiibig sa kanyang anak nang higit sa akin ay hindi karapat-dapat sa akin. 38 Ang hindi nagpapasan ng kanyang krus at hindi sumusunod sa akin ay hindi karapat-dapat sa akin. 39 Ang nagsisikap magligtas ng kanyang buhay ay mawawalan nito; ngunit ang mawalan ng kanyang buhay alang-alang sa akin ay magkakamit nito.” (Mateo 10:34-39)
Paliwanag
Ang pagsunod kay Cristo ay hindi madali. Kailangan matutunan ng mga espirtuwal na lider sumunod kay Cristo kahit ano pa ang mangyari. Darating ang mga pagkakataon na tayo ay masusubukan. Uunahin ba natin si Cristo o ang ibang tao? Ang pag-uusig ay bahagi ng pagsunod kay Cristo. Ngunit kapag inuusig tayo, kailangan piliin natin si Cristo kahit ano pa ang mangyari.
Gabay para sa Online Small Group Discussion
Step 1 – Basahin ang konteksto (Mateo 10:34-39).
Step 2 – Pakinggan ang devotional nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ito.
1. Bakit mahirap kapag ang umuusig sa atin ay mga taong malapit sa atin?
2. Paano tayo mananatiling matatag sa mga ganuong situwasyon?
3. Paano natin matutulungan ang isa’t isa na maging matatag?
Main Idea: “Kailangan matutunan ng mga espirtuwal na lider sumunod kay Cristo kahit ano pa ang mangyari.” (“Spiritual leaders must learn to follow Christ whatever the cost.”)
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.