Helping Believers To Discern God’s Will For Their Lives
DAILY DEVOTIONAL (10-14-2021)
9 For this reason, since the day we heard about you, we have not stopped praying for you. We continually ask God to fill you with the knowledge of his will through all the wisdom and understanding that the Spirit gives, 10 so that you may live a life worthy of the Lord and please him in every way: bearing fruit in every good work, growing in the knowledge of God, 11 being strengthened with all power according to his glorious might so that you may have great endurance and patience, 12 and giving joyful thanks to the Father, who has qualified you to share in the inheritance of his holy people in the kingdom of light. 13 For he has rescued us from the dominion of darkness and brought us into the kingdom of the Son he loves, 14 in whom we have redemption, the forgiveness of sins. (Colossians 1:9-14)
9 Kaya’t mula nang marinig namin ito, patuloy naming idinadalangin sa Diyos na sana’y ipaunawa niya sa inyo nang lubusan ang kanyang kalooban, sa pamamagitan ng karunungan at pang-unawang kaloob ng Espiritu. 10 Sa gayon, makakapamuhay na kayo nang karapat-dapat at kalugud-lugod sa Panginoon, sasagana sa lahat ng uri ng mabubuting gawa, at lalawak ang inyong pagkakilala sa Diyos. 11 Idinadalangin din naming patatagin niya kayo sa tulong ng kanyang dakilang kapangyarihan, upang inyong matiis na masaya at may pagtitiyaga ang lahat ng bagay. 12 Lagi kayong magpasalamat sa Ama sapagkat minarapat niyang makabahagi kayo sa mga pangako ng Diyos para sa mga hinirang na nasa liwanag. 13 Iniligtas niya tayo sa kapangyarihan ng kadiliman at inilipat sa kaharian ng kanyang minamahal na Anak. 14 Sa pamamagitan niya ay napalaya tayo, samakatuwid ay pinatawad ang ating mga kasalanan [sa pamamagitan ng kanyang dugo]. (Colosas 1:9-14)
Paliwanag
Higit pa sa pagdalo sa mga gawain, ang pinakamahalagang layunin ng isang mananampalataya ay malaman at sundin ang kalooban ng Diyos. Hindi sapat na tayo ay nakikinig ng mga sermon o nagsasagawa ng mga gawaing Kristiano tulad ng panalangin o pagbabasa ng biblia. Lahat ito ay paraan lamang para sa iisang layunin: malaman at sundin ang kalooban ng Diyos.
Gabay para sa Small Group Discussion
Step 1 – Basahin ang konteksto (Colosas 3:12-17).
Step 2 – Pakinggan ang devotional nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ito.
1. Paano makapamumuhay ang isang mananampalataya nang kalugod-lugod sa Diyos?
2. Bakit mahalaga na maunawaan at sundin ng isang mananampalataya ang kalooban ng Diyos?
3. Paano ito isinasagawa? Paano natin matutulungan ang bawat isa na magawa ito?
Main Idea: “Ang pinakamahalagang layunin ng isang mananampalataya ay malaman at sundin ang kalooban ng Diyos.” (“To discern and obey God’s will is the believer’s most important goal.”)
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.