Helping Believers Persevere In The Marathon Of Faith
DAILY DEVOTIONAL (10-15-2021)
1 Therefore, since we are surrounded by such a great cloud of witnesses, let us throw off everything that hinders and the sin that so easily entangles. And let us run with perseverance the race marked out for us, 2 fixing our eyes on Jesus, the pioneer and perfecter of faith. For the joy set before him he endured the cross, scorning its shame, and sat down at the right hand of the throne of God. 3 Consider him who endured such opposition from sinners, so that you will not grow weary and lose heart. (Hebrews 12:1-3)
1 Kaya nga, dahil napapaligiran tayo ng napakaraming saksi, tanggalin natin ang anumang balakid at ang kasalanang kumakapit sa atin. Buong tiyaga tayong tumakbo sa takbuhing nasa ating harapan. 2 Ituon natin ang ating paningin kay Jesus. Sa kanya nakasalalay ang ating pananampalataya mula simula hanggang katapusan. Dahil sa kagalakang naghihintay sa kanya, hindi niya inalintana ang kahihiyan ng pagkamatay sa krus, at siya ngayo’y nakaupo sa kanan ng trono ng Diyos. 3 Isip-isipin ninyo kung gaano ang tiniis niyang pag-uusig sa kamay ng mga makasalanan, upang hindi kayo manlupaypay o panghinaan ng loob. (Hebreo 12:1-3)
Paliwanag
Mahalaga na maunawaan natin na ang buhay Kristiano ay isang marathon ng pananampalataya, hindi lamang isang lingguhan na gawain. Tayo ay tinawag ng Diyos upang mamuhay para sa Kanya hanggang sa matapos ang ating buhay dito sa mundo. Huwag natin isipin na ito ay isang lingguhang pagtitipon lamang. Kailangan ang tiyaga at determinasyon para matapos natin ang ating takbuhin nang matagumpay.
Gabay para sa Small Group Discussion
Step 1 – Basahin ang konteksto (Hebreo 12:1-3).
Step 2 – Pakinggan ang devotional nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ito.
1. Bakit meron mga mananampalataya na hindi nagpapatuloy sa kanilang pagsunod sa Diyos?
2. Ano ang susi para matapos natin nang matagumpay ang ating takbuhin bilang mga mananampalataya?
3. Paano natin matutulungan ang isa’t isa para mangyari ito?
Main Idea: “Ang buhay Kristiano ay isang marathon ng pananampalataya, hindi lamang isang lingguhan na gawain.” (“The Christian life is a marathon of faith, not just a weekly activity.”)
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.