Teaching Potential Leaders How To Steward Their Credibility

DAILY DEVOTIONAL (10-21-2021)

Here is a trustworthy saying: Whoever aspires to be an overseer desires a noble task. Now the overseer is to be above reproach, faithful to his wife, temperate, self-controlled, respectable, hospitable, able to teach, not given to drunkenness, not violent but gentle, not quarrelsome, not a lover of money. He must manage his own family well and see that his children obey him, and he must do so in a manner worthy of full respect. (If anyone does not know how to manage his own family, how can he take care of God’s church?) He must not be a recent convert, or he may become conceited and fall under the same judgment as the devil. He must also have a good reputation with outsiders, so that he will not fall into disgrace and into the devil’s trap. (1 Timothy 3:1-7)

Totoo ang pahayag na ito: Ang sinumang nagnanais na maging tagapangasiwa sa iglesya ay naghahangad ng mabuting gawain. Kaya nga, ang isang tagapangasiwa ay kailangang walang kapintasan; isa lamang ang asawa, matino ang pag-iisip, marunong magpigil sa sarili, kagalang-galang, bukás ang tahanan sa iba, at may kakayahang magturo. Dapat hindi siya lasenggo, hindi marahas kundi mahinahon; hindi mahilig makipag-away at hindi maibigin sa salapi. Dapat mahusay siyang mamahala sa sariling pamilya, iginagalang at sinusunod ng kanyang mga anak. Sapagkat paano siyang makakapangasiwa nang maayos sa iglesya ng Diyos kung hindi niya mapamahalaan ang sarili niyang pamilya? Hindi siya dapat isang baguhang mananampalataya; baka siya’y maging palalo at mahatulan na gaya ng diyablo. Bukod dito, kailangang mabuti ang pagkakilala sa kanya ng mga hindi sumasampalataya upang hindi siya mapintasan at hindi mahulog sa bitag ng diyablo. (1 Timoteo 3:1-7)

Paliwanag

Bilang mga espirituwal na mga nilalang, tayo ay meron kaluluwa. Para maging katiwa-tiwala ang isang leader, kailangan marunong siya mag-alaga ng sarili niyang kaluluwa. Ito lang ang tanging paraan para siya ay magkaroon ng impluwensiya sa ibang tao. Kapag hindi siya katiwa-tiwala, kahit meron siya titolo o posisyon, hindi pa rin siya pakikinggan ng mga tao.

Gabay para sa Small Group Discussion

Step 1 – Basahin ang konteksto (1 Timoteo 3:1-7).

Step 2 – Pakinggan ang devotional nang walang istorbo.

Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ito.

1. Bakit mahalaga na katiwa-tiwala ang isang leader?

2. Ano ang susi para siya ay maging katiwa-tiwala?

3. Paano tayo lalago para maging katiwa-tiwala sa kapwa?

Main Idea: “Para maging katiwa-tiwala ang isang leader, kailangan marunong siya mag-alaga ng sarili niyang kaluluwa.” (“To be credible, a leader must know how to practice personal soul care.”)

I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito. 😄

Next Lesson Click here