Discerning The Readiness Of Potential Leaders
DAILY DEVOTIONAL (10-19-2021)
12 One of those days Jesus went out to a mountainside to pray, and spent the night praying to God. 13 When morning came, he called his disciples to him and chose twelve of them, whom he also designated apostles: 14 Simon (whom he named Peter), his brother Andrew, James, John, Philip, Bartholomew, 15 Matthew, Thomas, James son of Alphaeus, Simon who was called the Zealot, 16 Judas son of James, and Judas Iscariot, who became a traitor. (Luke 6:12-16)
12 Nang panahong iyon, umakyat si Jesus sa isang bundok at magdamag siyang nanalangin sa Diyos. 13 Kinaumagahan, tinawag niya ang kanyang mga alagad. Mula sa kanila ay pumili siya ng labindalawa na tinawag niyang mga apostol. 14 Sila ay sina Simon, na pinangalanan niyang Pedro, si Andres na kapatid nito, sina Santiago, Juan, Felipe, Bartolome, 15 Mateo, Tomas, Santiago na anak ni Alfeo, si Simon na Makabayan, 16 si Judas na anak ni Santiago, at si Judas Iscariote na naging taksil. (Lucas 6:12-16)
Paliwanag
Bagamat lahat ay maaari magkaroon ng impluwensiya sa iba, hindi lahat ay maaari maging pormal na leader. Ang pagiging handa ng isang potensiyal na leader ay dapat sinusuri nang may pananampalataya at pag-iingat. Mahalaga na makita ang kanilang katapatan at pagmamalasakit sa kapwa. Kailangan idalangin sa Panginoon ang tamang gabay sa mga taong pipiliin para sa pormal na pagsasanay bilang isang leader.
Gabay para sa Small Group Discussion
Step 1 – Basahin ang konteksto (Lucas 6:12-16).
Step 2 – Pakinggan ang devotional nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ito.
1. Bakit mahalaga na suriin maigi kung sino-sino ang magiging mga potensiyal na leader para sa susunod na cycle ng mga small groups?
2. Ano ang tamang pamamaraan para magawa ito?
3. Paano natin ito maisasagawa sa ating grupo?
Main Idea: “Ang pagiging handa ng isang potensiyal na leader ay dapat sinusuri nang may pananampalataya at pag-iingat.” (“The readiness of a potential leader must be faithfully and carefully discerned.”)
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.