Learning To Spot A Potential Leader
DAILY DEVOTIONAL (10-18-2021)
1 You then, my son, be strong in the grace that is in Christ Jesus. 2 And the things you have heard me say in the presence of many witnesses entrust to reliable people who will also be qualified to teach others. (2 Timothy 2:1-2)
1 Kaya nga, anak ko, magpakatatag ka sa tulong ng kagandahang-loob ni Cristo Jesus. 2 Ang mga narinig mo sa akin sa harap ng maraming saksi ay ipagkatiwala mo rin sa mga taong may katapatan at may kakayahang magturo naman sa iba. (2 Timoteo 2:1-2)
Paliwanag
Marami ang hindi nakakaunawa na ang layunin ng discipleship ay leadership. Una, hindi nauunawaan ng mga tao na ang leadership ay walang kinalaman sa titolo o posisyon. Ito ay may kinalaman sa impluwensiya na ating nagagawa para sa ikabubuti ng lahat. Hindi kailangan ang titolo o posisyon para gawin ito. Ikalawa, ang discipleship ay pananagutan ng mga taong nasa leadership. Ito ay dapat isinasagawa nang may katapatan sa Diyos.
Gabay para sa Small Group Discussion
Step 1 – Basahin ang konteksto (2 Timoteo 2:1-2).
Step 2 – Pakinggan ang devotional nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ito.
1. Ano ang madalas na pagkaunawa ng mga tao patungkol sa leadership?
2. Bakit mahalaga maunawaan ng lahat ang layunin ng discipleship ay leadership?
3. Ano ang kahulugan nito para sa ating grupo?
Main Idea: “Ang layunin ng discipleship ay leadership.” (“The goal of discipleship is leadership.”)
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.