Why Alignment is Crucial In Our Lives
DAILY DEVOTIONAL (6-7-2021)
22 Mamuhay kayo ayon sa salita ng Diyos. Kung ito’y pinapakinggan lamang ninyo ngunit hindi isinasagawa, dinadaya ninyo ang inyong sarili. 23 Sapagkat ang nakikinig ng salita ngunit hindi sumusunod dito ay katulad ng isang taong tumitingin sa salamin, 24 at pagkatapos makita ang sarili ay umaalis at kinakalimutan ang kanyang anyo. 25 Ang taong nagsasaliksik at nagpapatuloy sa pagsunod sa Kautusang ganap na nagpapalaya sa tao ang pagpapalain ng Diyos sa lahat ng kanyang gawain. Siya ang taong gumagawa at hindi siya katulad ng nakikinig lamang at pagkatapos ay nakakalimot. (Santiago 1:22-25)
Paliwanag
Kapag tayo ay dumaraan sa pagsubok, maaari ito maging daan para tayo ay lumago sa ating pananampalataya. Ngunit maaari rin ito maging dahilan para tayo mapalayo sa Diyos o mawalan ng pananampalataya. Depende ito sa ating pagtugon sa mga pagsubok. Kung tayo ay makikinig sa Diyos, at tatanggapin natin ang Kanyang salita sa ating puso, at gagawin natin ang Kanyang iniuutos, lalago tayo at pagpapalain ng Diyos.
Gabay para sa Online Small Group Discussion
Step 1 – Basahin prayerfully ang konteksto (Santiago 1:2-27).
Step 2 – Pakinggan ang devotional (audio o video) nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga sumusunod na tanong (tandaan, manalangin muna bago mag-usap):
1. Bakit madalas natatalo ang mga tao sa mga pagsubok na dumarating sa kanilang buhay?
2. Ano ang dapat natin maging pagtugon sa mga pagsubok sa buhay?
3. Ano ang gagawin mo simula ngayon bilang pagtugon sa natutunan mo?
Main Idea: “Para maranasan ang pagbabago, iwasan na maloko ang sarili.” (“To experience transformation, guard against self-deception.”)
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.