Unity Through The Gospel
DAILY DEVOTIONAL (6-27-2022)
16 Greet one another with a holy kiss. All the churches of Christ send greetings. 17 I urge you, brothers and sisters, to watch out for those who cause divisions and put obstacles in your way that are contrary to the teaching you have learned. Keep away from them. 18 For such people are not serving our Lord Christ, but their own appetites. By smooth talk and flattery they deceive the minds of naive people. 19 Everyone has heard about your obedience, so I rejoice because of you; but I want you to be wise about what is good, and innocent about what is evil. 20 The God of peace will soon crush Satan under your feet. The grace of our Lord Jesus be with you. 21 Timothy, my co-worker, sends his greetings to you, as do Lucius, Jason and Sosipater, my fellow Jews. 22 I, Tertius, who wrote down this letter, greet you in the Lord. 23 Gaius, whose hospitality I and the whole church here enjoy, sends you his greetings. Erastus, who is the city’s director of public works, and our brother Quartus send you their greetings. [24] 25 Now to him who is able to establish you in accordance with my gospel, the message I proclaim about Jesus Christ, in keeping with the revelation of the mystery hidden for long ages past, 26 but now revealed and made known through the prophetic writings by the command of the eternal God, so that all the Gentiles might come to the obedience that comes from faith— 27 to the only wise God be glory forever through Jesus Christ! Amen. (Romans 16:16-27)
16 Magbatian kayo bilang magkakapatid na nagmamahalan.[c] Binabati kayo ng lahat ng mga iglesya ni Cristo. 17 Mga kapatid, nakikiusap ako sa inyo: mag-ingat kayo sa mga pasimuno ng mga pagkakampi-kampi at sanhi ng pagtalikod dahil sa pagsalungat nila sa aral na tinanggap ninyo. Iwasan ninyo sila. 18 Ang mga taong gayon ay hindi naglilingkod kay Cristo na Panginoon natin, kundi sa pansariling hangarin. Inililigaw nila ang mga may mahinang pag-iisip sa pamamagitan ng kaakit-akit at matatamis na pangungusap. 19 Balitang-balita ang inyong pagkamasunurin kay Cristo, at ikinagagalak ko ito. Ngunit nais kong maging matalino kayo tungkol sa mga bagay na mabuti at walang muwang tungkol sa masama. 20 Ang Diyos ang bukal ng kapayapaan at malapit na niyang pasukuin sa inyo si Satanas. Sumainyo nawa ang kagandahang-loob ng ating Panginoong Jesus. 21 Binabati kayo ni Timoteo na aking kamanggagawa, gayundin ng mga kababayan kong sina Lucio, Jason at Sosipatro. 22 Akong si Tercio, na tagasulat ng liham na ito, ay bumabati sa inyo sa pangalan ng Panginoon. 23 Kinukumusta kayo ni Gaius na tinutuluyan ko; sa bahay niya nagtitipon ang buong iglesya. Kinukumusta rin kayo ni Erasto na ingat-yaman ng lungsod, at ng ating kapatid na si Cuarto. 25 Purihin ang Diyos na makapagpapalakas sa inyo sa pamamagitan ng Magandang Balita tungkol kay Jesu-Cristo na ipinapangaral ko. Ang Magandang Balitang iyan ay isang hiwagang naitago sa loob ng mahabang panahon, 26 subalit sa utos ng walang-hanggang Diyos ay nahayag ngayon sa lahat ng bansa sa pamamagitan ng mga isinulat ng mga propeta, upang ang lahat ay sumunod dahil sa kanilang pananampalataya sa kanya. 27 Sa iisang Diyos, na sa lahat ay ganap ang karunungan—sa kanya iukol ang karangalan magpakailanman sa pamamagitan ni Jesu-Cristo! Amen. (Roma 16:16-27)
Paliwanag
Ang pagkakaisa natin ay dapat magmula sa ating katapatan sa Ebanghelyo. Huwag natin ikompromiso ang Ebanghelyo dahil lamang sa ating mga relasyon. Ang batayan ng ating relasyon ay dapat ang Ebanghelyo. Pahalagahan natin ang katotohanan higit sa lahat.
Ang pagkakaisa natin ay dapat magmula sa ating katapatan sa Ebanghelyo. Click To Tweet
Gabay para sa Small Group Discussion
Step 1 – Basahin ang konteksto (Roma 16:16-27).
Step 2 – Pakinggan ang devotional nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga Discussion Questions.
Discussion Questions
1. Sa paanong paraan mas napapahalagahan ang relasyon kaysa sa katotohanan?
2. Paano natin mapapahalagahan ang katotohanan sa gitna ng ating relasyon?
3. Paano mo ipatutupad ito sa iyong buhay?
Main Idea
“Ang pagkakaisa natin ay dapat magmula sa ating katapatan sa Ebanghelyo.” (“Our unity must come from our faithfulness to the Gospel.”)
Our unity must come from our faithfulness to the Gospel. Click To Tweet
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.