The Essence of Following Jesus
DAILY DEVOTIONAL (6-4-2021)
16 Pumunta ang labing-isang alagad sa Galilea, sa bundok na sinabi sa kanila ni Jesus. 17 Nang makita nila si Jesus, siya’y sinamba nila, subalit may ilan sa kanilang nag-alinlangan. 18 Lumapit si Jesus at sinabi sa kanila, “Ibinigay na sa akin ang lahat ng kapangyarihan sa langit at sa lupa. 19 Kaya’t humayo kayo, gawin ninyong alagad ko ang mga tao sa lahat ng mga bansa. Bautismuhan ninyo sila sa pangalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. 20 Turuan ninyo silang sumunod sa lahat ng iniutos ko sa inyo. Tandaan ninyo, ako’y laging kasama ninyo hanggang sa katapusan ng panahon.”(Mateo 28:16-20)
Paliwanag
Marami ang hindi nakakaunawa kung ano ang kahulugan ng pagiging isang tunay na Kristiano. Ito ay may kinalaman sa pagiging alagad Niya sa kaharian ng Diyos kasama ang iba pang mga kapwa mananampalataya. Hindi ito pagdalo-dalo lamang sa mga gawain o kaya ay pakikinig lamang sa mga sermon. Ito ay aktibong pakikiisa sa layunin at kalooban ng Diyos para sa sanlibutan. Ito ay ang paggawa ng mga alagad rin Niya mula sa lahat ng bansa.
Gabay para sa Online Small Group Discussion
Step 1 – Basahin prayerfully ang konteksto (Mateo 28:16-20).
Step 2 – Pakinggan ang devotional (audio o video) nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga sumusunod na tanong (tandaan, manalangin muna bago mag-usap):
1. Ano ang madalas na maling pagkaunawa ng mga tao patungkol sa pagiging isang Kristiano?
2. Ano ang dapat maunawaan natin patungkol sa pagiging isang tunay na Kristiano ayon sa Mateo 28:16-20?
3. Paano mo ito isasagawa sa iyong buhay simula ngayon?
Main Idea: “Ang pagsunod kay Jesus ay may kinalaman sa pagiging alagad Niya sa kaharian ng Diyos kasama ng iba.” (“The essence of following Jesus is discipleship in the kingdom of God together with others.”)
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.