Teaching Spiritual Leaders How To Publicly Proclaim Christ
DAILY DEVOTIONAL (9-15-2021)
32 “Whoever acknowledges me before others, I will also acknowledge before my Father in heaven. 33 But whoever disowns me before others, I will disown before my Father in heaven. (Matthew 10:32-33)
32 “Ang sinumang kumilala sa akin sa harapan ng mga tao ay kikilalanin ko rin naman sa harapan ng aking Amang nasa langit. 33 Ngunit ang sinumang ikaila ako sa harap ng mga tao ay ikakaila ko rin sa harap ng aking Amang nasa langit.” (Mateo 10:32-33)
Paliwanag
Ang pampublikong pagpapahayag kay Cristo ay inaasahan sa mga espirtuwal na lider. Hindi kalooban ng Panginoon na manahimik lamang tayo. Huwag natin itago ang ating pananampalataya. Ipahayag natin ang pangalan ni Jesus sa lahat ng lugar at huwag natin ikahihiya na tayo ay mga tagasunod Niya. Maging regular at intensiyonal ang ating patotoo patungkol sa Kanya. Himukin natin ang lahat na manampalataya kay Jesus bilang Panginoon at Tagapagligtas.
Gabay para sa Online Small Group Discussion
Step 1 – Basahin ang konteksto (Mateo 10:32-33).
Step 2 – Pakinggan ang devotional nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ito.
1. Bakit mahalaga na ipahayag natin ang Mabuting Balita patungkol kay Jesus sa regular at intensiyonal na pamamaraan?
2. Ano ang maaari natin magawa para mapatupad ito?
3. Ano ang ginagawa natin ngayon para maipahayag ang Mabuting Balita sa lahat?
Main Idea: “Ang pampublikong pagpapahayag kay Cristo ay inaasahan sa mga espirtuwal na lider.” (“Confessing Jesus publicly is expected for true spiritual leaders.”)
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.