Resolving Conflicts As Believers In The Lord
DAILY DEVOTIONAL (8-6-2021)
1 What causes fights and quarrels among you? Don’t they come from your desires that battle within you? 2 You desire but do not have, so you kill. You covet but you cannot get what you want, so you quarrel and fight. You do not have because you do not ask God. 3 When you ask, you do not receive, because you ask with wrong motives, that you may spend what you get on your pleasures. (James 4:1-3)
1 Saan nanggagaling ang inyong mga alitan at pag-aaway? Hindi ba’t nagmumula iyan sa mga pagnanasang naglalaban-laban sa inyong kalooban? 2 Mayroon kayong ninanasa ngunit hindi ninyo makamtan, kaya’t pumapatay kayo, mapasainyo lamang iyon. May mga bagay na gustung-gusto ninyo ngunit hindi ninyo maangkin, kaya kayo’y nagkakagalit at naglalaban-laban. Hindi ninyo nakakamtan ang inyong ninanais dahil hindi kayo humihingi sa Diyos. 3 At humingi man kayo, wala rin kayong natatanggap dahil hindi tama ang inyong layunin. Humihingi kayo upang mapagbigyan ang inyong kalayawan. (Santiago 4:1-3)
Paliwanag
Hindi maiiwasan ang alitan sa kahit anong samahan. Sadyang nangyayari ito. Ngunit kung paano natin ito nireresolba, ito ang susi sa ating matagumpay na samahan. Kapag hindi natin ito nireresolba, masisira ang ating samahan at ito ang magdudulot ng paghahati-hati. Huwag tayong tumalikod sa anumang uri ng alitan o hindi pagkakaunawaan. Harapin natin ito at pag-usapan ayon sa biyaya ng Diyos.
Gabay para sa Online Small Group Discussion
Step 1 – Basahin prayerfully ang konteksto (Santiago 4:1-3).
Step 2 – Pakinggan ang devotional (audio o video) nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga sumusunod na tanong (tandaan, manalangin muna bago mag-usap):
1. Ano ang madalas na pagtugon ng mga tao sa iba’t-ibang uri ng alitan o di pagkakaunawaan?
2. Paano natin mapaghahandaan ang mga alitan sa ating samahan?
3. Subukan natin i-practice ang PEACE Process sa ating grupo.
Main Idea: “Ang pagreresolba ng ating mga alitan ang nagpapatibay sa ating samahan.” (“Resolving conflicts is what builds up the community.”)
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.