Negotiating Each Other’s Differences In The Lord
DAILY DEVOTIONAL (8-5-2021)
5 One person considers one day more sacred than another; another considers every day alike. Each of them should be fully convinced in their own mind. 6 Whoever regards one day as special does so to the Lord. Whoever eats meat does so to the Lord, for they give thanks to God; and whoever abstains does so to the Lord and gives thanks to God. 7 For none of us lives for ourselves alone, and none of us dies for ourselves alone. 8 If we live, we live for the Lord; and if we die, we die for the Lord. So, whether we live or die, we belong to the Lord. 9 For this very reason, Christ died and returned to life so that he might be the Lord of both the dead and the living. (Romans 14:5-9)
5 May nagpapahalaga sa isang araw nang higit kaysa ibang mga araw. May naniniwala namang pare-pareho ang lahat ng araw. Dapat tiyakin ng bawat isa kung ano ang kanyang pasya tungkol sa bagay na ito. 6 Ang nagpapahalaga sa isang araw ay nagpapahalaga rito alang-alang sa Panginoon. Ang kumakain ng anuman ay kumakain niyon alang-alang sa Panginoon, sapagkat nagpapasalamat siya sa Diyos. Iyon namang hindi kumakain ng ilang uri ng pagkain ay gumagawa ng ganoon alang-alang din sa Panginoon, at nagpapasalamat din siya sa Diyos. 7 Walang sinuman sa atin ang nabubuhay o namamatay para sa sarili lamang. 8 Kung tayo’y nabubuhay, para sa Panginoon tayo nabubuhay; at kung tayo’y namamatay, para sa Panginoon tayo namamatay. Kaya nga, sa mabuhay o sa mamatay, tayo’y sa Panginoon. 9 Sapagkat si Cristo ay namatay at muling nabuhay upang maging Panginoon ng mga patay at ng mga buháy. (Roma 14:5-9)
Paliwanag
Magkakaiba tayo. Ngunit hindi ito lantad sa umpisa ng kahit anong relasyon. Kapag tayo ay nagkagaanan na ng loob, lalabas na ang ating pagkakaiba. Duon na mag-uumpisa ang di pagkakaunawaan o alitan. Ngunit maaari natin mapag-usapan ito kung ang nasa kalagitnaan natin ay si Cristo. Siya lamang ang maaari magbigay sa atin na kakayanan na magkaisa sa gitna ng ating pagkakaiba.
Gabay para sa Online Small Group Discussion
Step 1 – Basahin prayerfully ang konteksto (Roma 14:5-9).
Step 2 – Pakinggan ang devotional (audio o video) nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga sumusunod na tanong (tandaan, manalangin muna bago mag-usap):
1. Ano ang nangyayari kapag lumalabas na ang ating pagkakaiba sa isa’t isa?
2. Bakit mahalaga na si Cristo ang sentro ng ating relasyon sa isa’t isa kapag lumalabas na ang ating pagkakaiba?
3. Paano natin ito ipapatupad sa ating samahan?
Main Idea: “Maaari lamang natin pag-usapan ang ating pagkakaiba kung si Cristo ang sentro ng ating kaugnayan sa isa’t isa.” (“We can only negotiate our differences if Jesus is at the center of our relationships.”)
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.