How A Person Knows He or She Has The Holy Spirit
DAILY DEVOTIONAL (9-22-2021)
14 For those who are led by the Spirit of God are the children of God. 15 The Spirit you received does not make you slaves, so that you live in fear again; rather, the Spirit you received brought about your adoption to sonship. And by him we cry, “Abba, Father.” 16 The Spirit himself testifies with our spirit that we are God’s children. 17 Now if we are children, then we are heirs—heirs of God and co-heirs with Christ, if indeed we share in his sufferings in order that we may also share in his glory. (Romans 8:14-17)
14 Ang lahat ng pinapatnubayan ng Espiritu ng Diyos ay mga anak ng Diyos. 15 Sapagkat hindi espiritu ng pagkaalipin ang inyong tinanggap upang kayo’y mamuhay sa takot. Sa halip, ang inyong tinanggap ay ang Espiritu ng pagkupkop upang kayo’y gawing mga anak ng Diyos, kaya tayo’y tumatawag sa kanya ng, “Ama, Ama ko!” 16 Ang Espiritu ang nagpapatotoo, kasama ng ating espiritu, na tayo’y mga anak ng Diyos. 17 At yamang mga anak, tayo’y mga tagapagmana ng Diyos at kasamang tagapagmana ni Cristo. Sapagkat kung tayo’y kasama niya sa pagtitiis, tayo’y makakasama niya sa kanyang kaluwalhatian. (Roma 8:14-17)
Paliwanag
Paano malalaman ng isang tao na nasa kanya ang Banal na Espiritu? Malalaman niya ito sapagkat tanging sa pamamagitan lamang ng Banal na Espiritu maaari maranasan ang direktang kaginhawaan o pagkilos ng Diyos. Walang sinuman ang makakagawa nito para sa kanya. Maaari maranasan ng isang tao ang kaginhawaan mula sa anumang bagay o ibang tao, ngunit kakaiba ang direktang karanasan ng presensiya ng Diyos na nagbibigay ng kaginhawaan mula sa Kanya. Tanging Diyos lamang ang maaari magbigay nito sa pamamagitan ng Banal na Espiritu.
Gabay para sa Online Small Group Discussion
Step 1 – Basahin ang konteksto (Roma 8:14-17).
Step 2 – Pakinggan ang devotional nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ito.
1. Paano malalaman ng isang tao na nasa kanya ang Banal na Espiritu?
2. Bakit mahalaga na malaman niya ito?
3. Magbalik tanaw tayo sa ating mga karanasan. Sino sa atin ang nakaranas ng direktang pagkilos ng Diyos? Ano ang naranasan natin at kailan nangyari ito?
Main Idea: “Tanging sa pamamagitan ng Banal na Espirity maaari maranasan ang direktang kaginhawaan mula sa Diyos.” (“Only through the Holy Spirit can anyone experience direct consolation from God.”)
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.