Helping Believers Grow Together As A Community Of Faith
DAILY DEVOTIONAL (10-13-2021)
12 Therefore, as God’s chosen people, holy and dearly loved, clothe yourselves with compassion, kindness, humility, gentleness and patience. 13 Bear with each other and forgive one another if any of you has a grievance against someone. Forgive as the Lord forgave you. 14 And over all these virtues put on love, which binds them all together in perfect unity. 15 Let the peace of Christ rule in your hearts, since as members of one body you were called to peace. And be thankful. 16 Let the message of Christ dwell among you richly as you teach and admonish one another with all wisdom through psalms, hymns, and songs from the Spirit, singing to God with gratitude in your hearts. 17 And whatever you do, whether in word or deed, do it all in the name of the Lord Jesus, giving thanks to God the Father through him. (Colossians 3:12-17)
12 Kaya nga, dahil kayo’y hinirang ng Diyos, minamahal niya at pinili para sa kanya, dapat kayong maging mahabagin, mabait, mapagpakumbaba, mahinahon, at mapagtiis. 13 Magpasensiya kayo sa isa’t isa. Kung may hinanakit kayo kaninuman, magpatawad kayo gaya ng pagpapatawad sa inyo ng Panginoon.[a] 14 At higit sa lahat, taglayin ninyo ang pagmamahalan, na siyang nagbubuklod sa lahat sa ganap na pagkakaisa. 15 Paghariin ninyo sa inyong puso ang kapayapaang kaloob ni Cristo, sapagkat iyan ang dahilan kung bakit kayo tinawag sa iisang katawan. Magpasalamat kayong lagi. 16 Ang salita ni Cristo’y hayaan ninyong lubusang manatili sa inyong puso. Turuan ninyo at paalalahanan ang isa’t isa nang may buong karunungan. Buong puso kayong umawit ng mga salmo, mga himno at mga awiting espirituwal, nang may pagpapasalamat sa Diyos. 17 At anuman ang inyong gagawin o sasabihin, gawin ninyong lahat sa pangalan ng Panginoong Jesus at sa pamamagitan niya’y magpasalamat kayo sa Diyos Ama. (Colosas 3:12-17)
Paliwanag
Hindi lalago ang mga mananampalataya nang nag-iisa. Lalago lang ang bawat mananampalataya kung sila ay namumuhay bilang isang komunidad. Ito ang katotohanan na kailangan matutunan ng bawat isa. Higit pa ito sa pagdalo sa isang maliit na grupo. Kinakailangan na makiisa rin tayo sa layunin ng grupo at tumulong sa ikalalago ng bawat isa.
Gabay para sa Small Group Discussion
Step 1 – Basahin ang konteksto (Colosas 3:12-17).
Step 2 – Pakinggan ang devotional nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ito.
1. Bakit mahalaga na makiisa tayo sa layunin ng ating grupo at tumulong sa paglago ng bawat isa?
2. Ano-ano ang kailangan matutunan natin bilang isang komunidad ng mga mananampalataya?
3. Paano natin ito ipatutupad sa ating grupo?
Main Idea: “Lalago lang ang bawat mananampalataya kung sila ay namumuhay bilang isang komunidad.” (“Believers can only grow individually if they are living in community.”)
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.