Caring for One Another in the Lord
DAILY DEVOTIONAL (7-30-2021)
21 Hindi rin naman masasabi ng mata sa kamay, “Hindi kita kailangan,” ni ng ulo, sa mga paa, “Hindi ko kayo kailangan.” 22 Sa katunayan, ang mga bahaging parang mahihina ang siya pa ngang kailangang kailangan. 23 Ang mga bahagi ng katawan na inaakala nating hindi gaanong kapuri-puri ay pinag-uukulan ng higit na pagpapahalaga. Ang mga bahaging hindi likas na maganda ang siya nating higit na pinapahalagahan. 24 Hindi na ito kailangang gawin sa mga bahaging sadyang maganda. Ngunit nang isaayos ng Diyos ang katawan, binigyan niya ng higit na karangalan ang mga bahaging hindi gaanong marangal, 25 upang hindi magkaroon ng pagkakabaha-bahagi, sa halip ay magmalasakit ang bawat bahagi sa isa’t isa. 26 Kung nasasaktan ang isang bahagi, nasasaktan ang lahat; kung pinaparangalan ang isang bahagi, nagagalak ang lahat. (1 Corinto 12:21-26)
Paliwanag
Sa mundong ito, natural sa mga tao ang magmalasakit sa kanilang sarili, sa kanilang pamilya, o sa mga tao na meron rin malasakit sa kanila. Hindi natural ang magmalasakit sa iba pa. Kaya, sa tulong ng Panginoon, nais Niya na tayo ay magkaroon ng malasakit sa isa’t isa sa loob ng komunidad o samahan ng mga mananampalataya.
Gabay para sa Online Small Group Discussion
Step 1 – Basahin prayerfully ang konteksto (1 Corinto 12:21-26).
Step 2 – Pakinggan ang devotional (audio o video) nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga sumusunod na tanong (tandaan, manalangin muna bago mag-usap):
1. Ano ang ibig sabihin ng magmalasakit sa isa’t isa sa loob ng iglesya o komunidad ng mga mananampalataya?
2. Bakit hindi madali sa atin ang magmalasakit sa isa’t isa?
3. Paano natin ito isasagawa sa ating samahan?
Main Idea: “Kapag tayo ay nagmalasakitan sa isa’t isa, mapapalakas natin ang isa’t isa.” (“When we care for each other, we build up one another.”)
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.