Being Committed to One Another in the Lord
DAILY DEVOTIONAL (7-29-2021)
9 Ang dalawa ay mabuti kaysa isa; mas marami ang bunga ng anumang gagawin nila. 10 Kapag nabuwal ang isa, maitatayo siya ng kanyang kasama. Kawawa ang nag-iisa sapagkat walang tutulong sa kanya kapag siya ay nabuwal. 11 Kung malamig ang panahon, maaari silang magtabi sa higaan upang parehong mainitan. Ngunit saan siya kukuha ng init kung nag-iisa siya? 12 Kung ang nag-iisa’y maaaring magtagumpay laban sa isa, lalo na ang dalawa. Ang lubid na may tatlong pilipit na hibla ay hindi agad malalagot. (Mangangaral 4:9-12)
Paliwanag
Mahalaga ang maging bahagi ng isang samahan o komunidad ng mga mananampalataya. Ngunti mangyayari lamang ito kung itatalaga natin ang ating sarili sa isa’t isa. Hindi natin matutulungan ang isa’t isa kung hindi natin maaasahan ang isa’t isa. Kailangan matutunan natin ang kahalagahan ng pagtatalaga ng ating sarili sa isang komunidad ng mga mananampalataya.
Gabay para sa Online Small Group Discussion
Step 1 – Basahin prayerfully ang konteksto (Mangangaral 4:9-12).
Step 2 – Pakinggan ang devotional (audio o video) nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga sumusunod na tanong (tandaan, manalangin muna bago mag-usap):
1. Bakit mahalaga ang pagtatalaga ng ating sarili sa isa’t isa sa loob ng isang komunidad?
2. Ano ang mangyayari kapag tayo ay meron pagtatalaga sa isa’t isa?
3. Paano natin ito magagawa sa ating samahan?
Main Idea: “Maliban na italaga natin ang ating sarili sa isa’t isa, hindi natin matutulungan ang isa’t isa.” (“Unless we are committed to each other, we cannot help each other.”)
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.