Accepting One Another
DAILY DEVOTIONAL (6-20-2022)
7 Therefore receive one another, just as Christ also received us, to the glory of God. 8 Now I say that Jesus Christ has become a servant to the circumcision for the truth of God, to confirm the promises made to the fathers, 9 and that the Gentiles might glorify God for His mercy, as it is written: “For this reason I will confess to You among the Gentiles, And sing to Your name.” 10 And again he says: “Rejoice, O Gentiles, with His people!” 11 And again: “Praise the Lord, all you Gentiles! Laud Him, all you peoples!” 12 And again, Isaiah says: “There shall be a root of Jesse; And He who shall rise to reign over the Gentiles, In Him the Gentiles shall hope.” 13 Now may the God of hope fill you with all joy and peace in believing, that you may abound in hope by the power of the Holy Spirit. (Romans 15:7-13)
7 Kung paanong kayo’y malugod na tinanggap ni Cristo, tanggapin ninyo ang isa’t isa upang mapapurihan ang Diyos. 8 Sinasabi ko sa inyo, si Cristo’y naglingkod sa mga Judio upang patunayang ang Diyos ay tapat, at tumutupad sa mga pangako niya sa kanilang mga ninuno, 9 at upang ang mga Hentil naman ay magpuri sa Diyos dahil sa kanyang habag. Tulad ng nasusulat, “Kaya’t sa gitna ng mga Hentil, ika’y aking pupurihin, At aawitan ko ang iyong pangalan.” 10 Sinabi rin, “Magalak kayo mga Hentil, kasama ng kanyang bayan!” 11 At muling sinabi, “Magpuri kayo sa Panginoon, kayong mga Hentil, lahat ng bansa ay magpuri sa kanya!” 12 Sinabi pa ni Isaias, “May isisilang sa angkan ni Jesse, upang maghari sa mga Hentil; siya ang kanilang magiging pag-asa.” 13 Puspusin nawa kayo ng Diyos na siyang bukal ng pag-asa, at nawa ay pagkalooban niya kayo ng kagalakan at kapayapaan sa pamamagitan ng inyong pananampalataya, upang mag-umapaw ang inyong pag-asa sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo. (Roma 15:7-13)
Paliwanag
Dapat tanggapin natin ang isa’t isa dahil kay Cristo. Hindi tayo niligtas ng Diyos para lamang sa ating sarili. Kalooban Niya na ang lahat ng uri ng mga tao ay maligtas rin. Nais rin Niya na mapasama sila sa iisang katawan ni Cristo. Ito ang pangitain ng Diyos para sa sanlibutan.
Dapat tanggapin natin ang isa't isa dahil kay Cristo. Click To Tweet
Gabay para sa Small Group Discussion
Step 1 – Basahin ang konteksto (Roma 15:7-13).
Step 2 – Pakinggan ang devotional nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga Discussion Questions.
Discussion Questions
1. Ano-ano ang dahilan kung bakit hindi matanggap ng mga tao ang ibang tao?
2. Bakit kinakailangan natin tanggapin ang isa’t isa sa katawan ni Cristo?
3. Paano mo ipatutupad ito sa iyong buhay?
Main Idea
“Dapat tanggapin natin ang isa’t isa dahil kay Cristo.” (“We must accept one another because of Christ.”)
We must accept one another because of Christ. Click To Tweet
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.