Unity in Diversity
DAILY DEVOTIONAL (6-17-2022)
1 We who are strong ought to bear with the failings of the weak and not to please ourselves. 2 Each of us should please our neighbors for their good, to build them up. 3 For even Christ did not please himself but, as it is written: “The insults of those who insult you have fallen on me.” 4 For everything that was written in the past was written to teach us, so that through the endurance taught in the Scriptures and the encouragement they provide we might have hope. 5 May the God who gives endurance and encouragement give you the same attitude of mind toward each other that Christ Jesus had, 6 so that with one mind and one voice you may glorify the God and Father of our Lord Jesus Christ. (Romans 15:1-6)
1 Tayong malalakas sa paniniwala ay dapat tumulong sa mahihina at huwag ang pansariling kasiyahan lamang ang ating isipin. 2 Sikapin nating lahat na itaguyod ang kapakanan ng ating kapwa para sa kanyang ikalalakas. 3 Sapagkat maging si Cristo man ay hindi naghangad ng sariling kasiyahan subalit nagpaubaya; tulad ng nasusulat, “Ako ang binagsakan ng mga pag-alipusta na sa iyo ipinapatama.” 4 Anumang nasa Kasulatan noon pang una ay nasulat sa ikatututo natin, upang sa pamamagitan ng pagtitiis at sa pagpapalakas ng loob mula sa kasulatan ay magkaroon tayo ng pag-asa. 5 Ipagkaloob nawa ng Diyos, na siyang nagbibigay sa atin ng katatagan at lakas ng loob, na kayo’y mamuhay nang may pagkakaisa ayon kay Cristo Jesus, 6 upang sa gayon, nagkakaisa kayong magpupuri sa Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo. (Roma 15:1-6)
Paliwanag
Tinuturuan tayo ng Ebanghelyo na magkaroon ng pagkakaisa sa gitna ng pagkakaiba. Hndi natin maiiwasan ang pagkakaiba. Ngunit, sa tulong ng Panginoon, maiiwasan natin ang pagkakaroon ng hidwaan o hindi pagkakaisa.
[bctt tweet=”Tinuturuan tayo ng Ebanghelyo na magkaroon ng pagkakaisa sa gitna ng pagkakaiba.” username=”rlccphil”]
Gabay para sa Small Group Discussion
Step 1 – Basahin ang konteksto (Roma 15:1-6).
Step 2 – Pakinggan ang devotional nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga Discussion Questions.
Discussion Questions
1. Paano tinutugunan ng mga tao sa mundong ito ang pagkakaiba?
2. Paano natin dapat tugunan ang pagkakaiba ayon sa salita ng Diyos?
3. Paano mo ipatutupad ito sa iyong buhay?
Main Idea
“Tinuturuan tayo ng Ebanghelyo na magkaroon ng pagkakaisa sa gitna ng pagkakaiba.” (“The Gospel teaches us to have unity in diversity.”)
[bctt tweet=”The Gospel teaches us to have unity in diversity.” username=”rlccphil”]
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.