Recognizing Each Other’s Boundaries In The Lord
DAILY DEVOTIONAL (8-4-2021)
2 Carry each other’s burdens, and in this way you will fulfill the law of Christ. 3 If anyone thinks they are something when they are not, they deceive themselves. 4 Each one should test their own actions. Then they can take pride in themselves alone, without comparing themselves to someone else, 5 for each one should carry their own load. (Galatians 6:2-5)
2 Magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa. Sa gayong paraan ay matutupad ninyo ang kautusan ni Cristo. 3 Kung inaakala ninyong kayo’y nakakahigit sa iba, subalit hindi naman, dinadaya ninyo ang inyong sarili. 4 Suriin ng bawat isa ang kanyang gawa. Sa gayon, ang kanyang kagalakan ay nakabatay sa kanyang gawa. Huwag na niyang ihambing pa iyon sa gawa ng iba, 5 sapagkat ang bawat isa ay dapat magdala ng kanyang sariling dalahin. (Galacia 6:2-5)
Paliwanag
Ang komunidad ng mga mananampalataya ay isang lugar kung saan ang kakaibahan ng bawat isa ay pinahahalagahan. Hindi ito isang lugar kung saan pipilitin tayo na maging katulad ng iba o sumang-ayon sa grupo nang labag sa ating kalooban. Dito, kikilalanin natin ang kakaibahan at karapatan ng bawat isa ayon sa kalooban ng Panginoon. Magtutulungan tayo at hindi magpipilitan.
Gabay para sa Online Small Group Discussion
Step 1 – Basahin prayerfully ang konteksto (Galacia 6:2-5).
Step 2 – Pakinggan ang devotional (audio o video) nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga sumusunod na tanong (tandaan, manalangin muna bago mag-usap):
1. Ano ang kakaibahan ng pagkilala sa isa’t isa at ang pagiging makasarili?
2. Bakit mahalaga na kilalanin natin ang isa’t isa ayon sa kung sino tayo?
3. Paano natin ito gagawin sa ating samahan?
Main Idea: “Kapag kinilala natin ang hangganan ng bawat isa, pinapahalagahan rin natin ang kakaibahan ng bawat isa.” (“When we recognize each person’s boundary, we affirm each other’s individuality.”)
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.