Your True Self In Christ
DAILY DEVOTIONAL (2-10-2022)
7 But whatever were gains to me I now consider loss for the sake of Christ. 8 What is more, I consider everything a loss because of the surpassing worth of knowing Christ Jesus my Lord, for whose sake I have lost all things. I consider them garbage, that I may gain Christ 9 and be found in him, not having a righteousness of my own that comes from the law, but that which is through faith in Christ—the righteousness that comes from God on the basis of faith. 10 I want to know Christ—yes, to know the power of his resurrection and participation in his sufferings, becoming like him in his death, 11 and so, somehow, attaining to the resurrection from the dead. (Philippians 3:7-11)
7 Ngunit dahil kay Cristo, ang mga bagay na pinapahalagahan ko noon ay itinuring kong walang kabuluhan ngayon. 8 Oo, itinuturing kong walang kabuluhan ang lahat ng bagay bilang kapalit ng lalong mahalaga, ang pagkakilala kay Cristo Jesus na aking Panginoon. Ang lahat ng bagay ay ipinalagay kong walang kabuluhan at itinuring kong basura, makamtan ko lamang si Cristo 9 at lubos na makipag-isa sa kanya. Ang aking pagiging matuwid ay hindi sa pamamagitan ng pagsunod sa Kautusan, kundi sa pananalig kay Cristo. Ang pagiging matuwid ko ngayo’y buhat sa Diyos, sa pamamagitan ng pananampalataya. 10 Ang tanging hangarin ko ngayon ay lubusang makilala si Cristo, maranasan ang kapangyarihan ng kanyang muling pagkabuhay, makibahagi sa kanyang mga paghihirap, at maging katulad niya sa kanyang kamatayan, 11 umaasang ako man ay muling bubuhayin mula sa kamatayan. (Filipos 3:7-11)
Paliwanag
Kapag nanatili ka sa iyong maling pagkakilala sa iyong sarili, hindi mo mararanasan ang tunay na buhay kay Cristo. Mawawalan ka ng kagalakan sa iyong buhay. Ang matagpuan ang tunay mong sarili kay Cristo ang magbibigay sa iyo ng galak at katatagan. Mamuhay ka nang ayon sa tunay mong sarili kay Cristo.
[bctt tweet=”Ang matagpuan ang tunay mong sarili kay Cristo ang magbibigay sa iyo ng galak at katatagan.” username=”rlccphil”]
Gabay para sa Small Group Discussion
Step 1 – Basahin ang konteksto (Filipos 3:7-11).
Step 2 – Pakinggan ang devotional nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga Discussion Questions.
Discussion Questions
1. Bakit marami sa mga mananampalataya ang hindi nakauunawa sa kanilang tunay na sarili kay Cristo?
2. Paano tayo mamumuhay nang ayon sa ating tunay na sarili kay Cristo?
3. Paano mo ipatutupad ito sa iyong buhay?
Main Idea
“Ang matagpuan ang tunay mong sarili kay Cristo ang magbibigay sa iyo ng galak at katatagan.” (“Discovering your true self in Christ will give you joy and stability.”)
[bctt tweet=”Discovering your true self in Christ will give you joy and stability.” username=”rlccphil”]
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.