Worshiping the Lord
DAILY DEVOTIONAL (7-7-2022)
46 And Mary said: “My soul glorifies the Lord 47 and my spirit rejoices in God my Savior, 48 for he has been mindful of the humble state of his servant. From now on all generations will call me blessed, 49 for the Mighty One has done great things for me—holy is his name. 50 His mercy extends to those who fear him, from generation to generation. 51 He has performed mighty deeds with his arm; he has scattered those who are proud in their inmost thoughts. 52 He has brought down rulers from their thrones but has lifted up the humble. 53 He has filled the hungry with good things but has sent the rich away empty. 54 He has helped his servant Israel, remembering to be merciful 55 to Abraham and his descendants forever, just as he promised our ancestors.” 56 Mary stayed with Elizabeth for about three months and then returned home. (Luke 1:46-56)
39 Hindi nagtagal at si Maria’y nagmamadaling pumunta sa isang bayan sa bulubundukin ng Juda. 40 Pagdating sa bahay ni Zacarias, binati niya si Elizabeth. 41 Nang marinig ni Elizabeth ang pagbati ni Maria, biglang gumalaw ang sanggol sa kanyang sinapupunan at siya ay napuspos ng Espiritu Santo. 42 Napasigaw siya sa galak, “Pinagpala ka sa mga babae, at pinagpala rin ang dinadala mo sa iyong sinapupunan! 43 Sino ako upang dalawin ng ina ng aking Panginoon? 44 Sapagkat pagkarinig ko ng iyong pagbati ay gumalaw sa tuwa ang sanggol sa aking sinapupunan. 45 Pinagpala ka, sapagkat sumampalataya kang matutupad ang ipinasabi sa iyo ng Panginoon!”
46 At sinabi ni Maria, “Ang puso ko’y nagpupuri sa Panginoon, 47 at ang aking espiritu’y nagagalak sa Diyos na aking Tagapagligtas, 48 sapagkat nilingap niya akong kanyang abang alipin! Mula ngayon, ang lahat ng tao’y tatawagin akong pinagpala; 49 dahil sa mga dakilang bagay na ginawa sa akin ng Makapangyarihan. Banal ang kanyang pangalan! 50 Ang kanyang kahabagan ay para sa lahat ng salinlahing may takot sa kanya. 51 Ipinakita niya ang lakas ng kanyang mga bisig, nilito niya ang mga may palalong isip. 52 Tinanggal sa kanilang luklukan ang mga may kapangyarihan, at itinaas ang mga nasa abang kalagayan. 53 Pinasagana niya sa mabubuting bagay ang mga kapus-palad, at pinaalis nang walang dalang anuman ang mga mayayaman. 54 Tinulungan niya ang Israel na kanyang lingkod, at hindi niya kinalimutang kahabagan ito. 55 Tulad ng kanyang ipinangako sa ating mga ninuno, kay Abraham at sa lahi nito, magpakailanman!” 56 Nanatili si Maria kina Elizabeth nang may tatlong buwan bago siya umuwi. (Lucas 1:46-56)
Paliwanag
Ang tunay na pagsamba ay pagtugon sa personal na kapahayagan ng Diyos. Hindi lamang ito ayon sa pakiramdam natin. Sa pamamagitan ng kapahayagan ng Diyos sa ating puso, nauunawaan natin kung sino ang Panginoon at sa ating pagtugon sa Kanya ayon sa espiritu at katotohanan, tayo ay tunay na sumasamba sa Kanya.
[bctt tweet=”Ang tunay na pagsamba ay pagtugon sa personal na kapahayagan ng Diyos.” username=”rlccphil”]
Gabay para sa Small Group Discussion
Step 1 – Basahin ang konteksto (Lucas 1:46-56).
Step 2 – Pakinggan ang devotional nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga Discussion Questions.
Discussion Questions
1. Ano ang madalas na pagkaunawa ng mga tao patungkol sa pagsamba?
2. Ano ang tunay na pagsamba sa Diyos?
3. Paano mo ipatutupad ito sa iyong buhay?
Main Idea
“Ang tunay na pagsamba ay pagtugon sa personal na kapahayagan ng Diyos.” (“True worship is our response to the personal revelation of God.”)
[bctt tweet=”True worship is our response to the personal revelation of God.” username=”rlccphil”]
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.