Why you should not harden your heart
DAILY DEVOTIONAL (5-27-2021)
12 Mga kapatid, ingatan ninyong huwag magkaroon ang sinuman sa inyo ng pusong masama at walang pananampalataya, na siyang maglalayo sa inyo sa Diyos na buháy. 13 Sa halip, magpaalalahanan kayo araw-araw, habang ang panahon ay matatawag pang “Ngayon” upang walang sinumang madaya sa inyo ng kasalanan at sa gayo’y maging matigas ang puso. 14 Sapagkat tayong lahat ay kasama ni Cristo sa gawain, kung mananatiling matatag hanggang sa wakas ang ating pananalig na ating ipinakita noong tayo’y unang sumampalataya. 15 Ito nga ang sinasabi sa kasulatan, “Kapag narinig ninyo ngayon ang tinig ng Diyos, huwag ninyong patigasin ang inyong mga puso, tulad noong kayo’y maghimagsik sa Diyos.” (Hebreo 3:12-15)
(Jeremias 17:9-10)
Paliwanag
Kung gusto natin maranasan ang pagpapala ng Diyos, kinakailangan na bantayan natin ang pagtugon natin sa Kanyang tinig. Dahil ang pagtugon natin sa Kanya ang susi upang maranasan natin ang pagpapala Niya. Kapag tinigasan natin ang puso, tayo rin ang magdurusa dahil rito. Tayo ang may desisyon kung paano tayo tutugonsa Kanya. Kaya mahalaga na huwag natin tigasan ang ating puso sa Kanyang tinig.
Gabay para sa Online Small Group Discussion
Step 1 – Basahin prayerfully ang konteksto (Hebreo 3:7-19).
Step 2 – Pakinggan ang devotional (audio o video) nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga sumusunod na tanong (tandaan, manalangin muna bago mag-usap):
1. Paano natin tinitigasan ang ating puso sa Panginoon?
2. Paano natin maiiwasan ito?
3. Paano mo ito isasagawa sa iyong buhay?
Main Idea: “Ang pagtugon natin sa Diyos ang susi upang maranasan natin ang pagpapala ng Diyos.” (“Our response to God determines our experience of the blessings of God.”)
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito. 😄