Why Every Christian Should Be in Ministry
DAILY DEVOTIONAL (12-14-2021)
7 But to each one of us grace has been given as Christ apportioned it. 8 This is why it says: “When he ascended on high, he took many captives and gave gifts to his people.” 9 (What does “he ascended” mean except that he also descended to the lower, earthly regions? 10 He who descended is the very one who ascended higher than all the heavens, in order to fill the whole universe.) 11 So Christ himself gave the apostles, the prophets, the evangelists, the pastors and teachers, 12 to equip his people for works of service, so that the body of Christ may be built up 13 until we all reach unity in the faith and in the knowledge of the Son of God and become mature, attaining to the whole measure of the fullness of Christ. (Ephesians 4:7-13)
7 Ang bawat isa sa ati’y nakatanggap ng tanging kaloob, ayon sa sukat na ibinigay ni Cristo. 8 Ganito ang sinasabi ng kasulatan: “Nang umakyat siya sa kalangitan, nagdala siya ng maraming bihag, at nagbigay ng mga kaloob sa mga tao.” 9 Anong ibig sabihin ng “umakyat siya”? Ang ibig sabihin niyan ay bumabâ muna siya sa mga kailalimang bahagi ng lupa. 10 Ang bumabâ ay siya rin namang umakyat sa kaitaasan ng kalangitan upang mapuno ng kanyang presensya ang buong sangnilikha. 11 At binigyan niya ang ilan ng kaloob upang maging mga apostol, ang iba nama’y mga propeta, ang iba’y mga ebanghelista, at ang iba’y mga pastor at mga guro. 12 Ginawa niya ito upang ihanda sa paglilingkod ang lahat ng mga hinirang, upang maging matatag ang katawan ni Cristo, 13 hanggang makarating tayo sa pagkakaisa ng pananampalataya at pagkakilala sa Anak ng Diyos, at maging ganap ang ating pagkatao ayon sa pagiging-ganap ni Cristo. (Efeso 4:7-13)
Paliwanag
Ang tunay na pagkakaisa ay nangangahulugan lahat ay dapat nasa ministeryo. Hindi lang ang iilan. Lahat tayo ay may kakayan o abilidad na maglingkod sa Panginoon ayon sa kagandahang-loob ng Diyos. Lahat ng lugar ay nasa ilalim ng Kanyang kapamahalaan at kahit saan tayo naroon ay dapat natin ipahayag ang Kanyang pangalan.
[bctt tweet=”Ang tunay na pagkakaisa ay nangangahulugan lahat ay dapat nasa ministeryo.” username=”rlccphil”]
Gabay para sa Small Group Discussion
Step 1 – Basahin ang konteksto (Efeso 4:7-13).
Step 2 – Pakinggan ang devotional nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga Discussion Questions.
Discussion Questions
1. Bakit hindi lahat ng mga mananampalataya ay naglilingkod sa Panginoon?
2. Paano natin mahihikayat ang lahat na maglingkod?
3. Paano mo ito ipapatupad sa iyong buhay?
Main Idea
“Ang tunay na pagkakaisa ay nangangahulugan lahat ay dapat nasa ministeryo.” (“True Christian unity means everyone should be in ministry.”)
[bctt tweet=”True Christian unity means everyone should be in ministry.” username=”rlccphil”]
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.