When A Broken Heart Is Good
DAILY DEVOTIONAL (5-31-2021)
16 Hindi mo na nais ang mga handog; di ka nalulugod, sa haing sinunog; 17 ang handog ko, O Diyos, na karapat-dapat ay ang pakumbaba’t pusong mapagtapat. (Awit 51:16-17)
Paliwanag
Para maranasan natin ang tunay na pagbabago at kaligtasan sa ating buhay, kinakailangan na magkaroon tayo ng tunay na pagpapakumbaba at pagsisisi mula sa puso. Kung titigasan natin ang ating puso at magdadahilan tayo sa ating mga kasalanan, hindi natin mararanasan nang lubasan ang tunay na kaligtasan.
Gabay para sa Online Small Group Discussion
Step 1 – Basahin prayerfully ang konteksto (Awit 51:1-19).
Step 2 – Pakinggan ang devotional (audio o video) nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga sumusunod na tanong (tandaan, manalangin muna bago mag-usap):
1. Bakit mahalaga ang tunay na pagpapakumbaba at pagsisisi mula sa puso?
2. Ano-ano ang mga palatandaan kapag hindi ito nangyayari?
3. Ano ang dapat natin gawin para magkaroon ng ganitong pagtugon sa Diyos?
Main Idea: “Ang pagbabago ay nakasalalay sa ating tunay na pagsisisi mula sa puso.” (“Our transformation depends on a true broken and repentant heart.”)
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.