What God Is Doing In Human History
DAILY DEVOTIONAL (11-23-2021)
11 In him we were also chosen, having been predestined according to the plan of him who works out everything in conformity with the purpose of his will, 12 in order that we, who were the first to put our hope in Christ, might be for the praise of his glory. 13 And you also were included in Christ when you heard the message of truth, the gospel of your salvation. When you believed, you were marked in him with a seal, the promised Holy Spirit, 14 who is a deposit guaranteeing our inheritance until the redemption of those who are God’s possession—to the praise of his glory. (Ephesians 1:11-14)
11 Kami ay pinili ng Diyos mula pa sa simula na maging kanya sa pamamagitan ni Cristo, ayon sa kanyang plano. Ang Diyos ang gumagawa sa lahat ng bagay ayon sa layunin ng kanyang kalooban. 12 Kaming mga unang umasa sa kanya ay pinili niya at hinirang upang parangalan ang kanyang kaluwalhatian. 13 Sa pamamagitan ni Cristo, kayo rin na nakarinig ng salita ng katotohanan, ng Magandang Balita na nagdudulot ng kaligtasan, at sumampalataya sa kanya, ay pinagkalooban ng ipinangakong Espiritu Santo bilang tatak ng pagkahirang sa inyo. 14 Ang Espiritu ang katibayan na makakamit natin nang lubos ang lahat ng pangako ng Diyos sa atin, at sa gayon ay pupurihin ang kanyang kaluwalhatian. (Efeso 1:11-14)
Paliwanag
Maaari sa paningin ng iba na ang mundo ay wala ng pag-asa dahil sa dami ng kasamaan at kalikuan ng mga tao. Ngunit hindi ito totoo. Kumikilos ang Diyos sa buong kasaysayan ng mundo para iligtas ang mga tao na para sa Kanya. Ito ang nagbibigay sa atin ng pag-asa at paalaala. Kaya patuloy tayo sa pagpapatupad ng Kanyang layunin sa mundong ito. Huwag tayo susuko.
[bctt tweet=”Kumikilos ang Diyos sa buong kasaysayan ng mundo para iligtas ang mga tao na para sa Kanya.” username=”rlccphil”]
Gabay para sa Small Group Discussion
Step 1 – Basahin ang konteksto (Efeso 1:11-14).
Step 2 – Pakinggan ang devotional nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga Discussion Questions.
Discussion Questions
1. Bakit nawawalan minsan ng pag-asa ang ilan sa atin lalo na kapag nakikita natin ang mga kasamaan at kalikuan ng mga tao sa mundong ito?
2. Ano ang dapat natin isipin at panampalatayaan kapag nakakakita tayo ng kasamaan sa mundo?
3. Kumikilos ang Diyos sa buong kasaysayan ng mundo para iligtas ang mga tao na para sa Kanya. Ano ang dapat natin maging tugon dito?
Main Idea
“Kumikilos ang Diyos sa buong kasaysayan ng mundo para iligtas ang mga tao na para sa Kanya.” (“God is at work in the world throughout history, redeeming a people for Himself.”)
[bctt tweet=”God is at work in the world throughout history, redeeming a people for Himself.” username=”rlccphil”]
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.