Waiting upon the Lord
DAILY DEVOTIONAL (5-24-2021)
13 Naniniwala akong bago ako mamatay, kabutihan ni Yahweh’y aking masasaksihan. 14 Kay Yahweh tayo’y magtiwala! Manalig sa kanya at huwag manghinawa. Kay Yahweh tayo magtiwala! (Mga Awit 27:13-14)
Paliwanag
Minsan nahihirapan ang mga tao na marinig ang tinig ng Diyos dahil inaasahan nila na magsasalita agad ang Diyos pagkatapos nilang manalangin. Bihira ito mangyari. Mas madalas na kailangan maghintay tayo sa sagot. Hindi tayo makakarinig ng tinig sa ating tenga mula sa langit. Bagkus mangungusap ang Diyos sa atin sa pamamagitan ng Kanyang Banal na Espiritu sa ating espiritu o puso, sa pamamagitan ng salita ng Diyos, sa pamamagitan ng ibang tao, at sa pamamagitan ng mga nangyayari sa ating buhay o paligid.
Gabay para sa Online Small Group Discussion
Step 1 – Basahin prayerfully ang konteksto (Mga Awit 27:1-14).
Step 2 – Pakinggan ang devotional (audio o video) nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga sumusunod na tanong (tandaan, manalangin muna bago mag-usap):
1. Bakit hirap ang mga tao na marinig ang tinig ng Diyos?
2. Paano natin maririnig ang tinig ng Diyos ayon sa Awit 27?
3. Paano mo ito ipatutupad sa iyong buhay?
Main Idea: “Para marinig ang tinig ng Diyos, maghintay at asahan ang tinig ng Diyos.” (“To hear God’s voice, learn to wait and anticipate God’s voice.”)
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.