Waiting in God’s Presence
DAILY DEVOTIONAL (6-22-2021)
5 Sabik akong naghihintay, O Yahweh, sa iyong tugon, pagkat ako’y may tiwala sa pangako mong pagtulong. 6 Yaring aking pananabik, Panginoon, ay higit pa sa bantay na naghihintay ng pagsapit ng umaga. (Awit 130:5-6)
Paliwanag
Hindi madali sa atin ang maghintay. Ang madali sa atin ay mainip. Kaya siguro madalas nahihirapan tayo kapag tayo ay nag-iisa at nananahimik sa presensiya ng Diyos. Ngunit dito natin natutunan ang maghintay. Sa piling ng Diyos natututo tayo na hintayin ang tapat na pagtugon ng Diyos sa ating mga kahilingan o kailangan.
Gabay para sa Online Small Group Discussion
Step 1 – Basahin prayerfully ang konteksto (Awit 130:1-8).
Step 2 – Pakinggan ang devotional (audio o video) nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga sumusunod na tanong (tandaan, manalangin muna bago mag-usap):
1. Bakit hirap ang karamihan sa atin na maghintay sa kahit anong bagay?
2. Bakit kailangan matutunan natin na maghintay sa presensiya ng Diyos?
3. Paano mo ipatutupad ang kaugalian na ito sa iyong buhay?
Main Idea: “Ang katahimikan at pag-iisa ay lugar kung saan natututo tayo maghintay sa tapat na pagtugon ng Panginoon.” (“Silence and solitude is the place where we learn to wait for God’s faithful response.”)
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.