Understanding True Worship
DAILY DEVOTIONAL (7-6-2021)
21 Sinabi naman ni Jesus, “Maniwala ka sa akin, darating ang panahon na sasambahin ninyo ang Ama hindi na sa bundok na ito o sa Jerusalem. 22 Hindi ninyo kilala ang inyong sinasamba, ngunit kilala namin ang aming sinasamba, sapagkat ang kaligtasan ay nagmumula sa mga Judio. 23 Subalit dumarating na ang panahon at ngayon na nga, na ang mga tunay na sumasamba sa Ama ay sasamba sa kanya sa espiritu at sa katotohanan. Sapagkat ganyan ang uri ng pagsambang ninanais ng Ama. 24 Ang Diyos ay Espiritu at ang mga sumasamba sa kanya ay dapat siyang sambahin sa espiritu at sa katotohanan.” (John 4:21-24)
Paliwanag
Mahalaga ang pagsamba sa Diyos. Dapat ito gawin palagi. Maaari tayo sumamba sa Diyos nang nag-iisa, ngunit huwag rin natin kalilimutan na mahalaga ang pagsamba kasama ang ating mga kapatiran sa komunidad. Hindi sapat na tayo ay nakikinig lamang ng mga recorded sermons o worship services. Mahalaga na magkakasama tayo sa pagsamba sa Diyos ayon sa Espiritu at katotohanan kahit saan pa tayo naroroon o anuman ang lugar ng ating pagtitipon, maging pisikal man o online. Ang tunay na pagsamba ay espirituwal at may kinalaman sa tunay na relasyon, kahit saan pa ang lugar nito.
Gabay para sa Online Small Group Discussion
Step 1 – Basahin prayerfully ang konteksto (John 4:21-24).
Step 2 – Pakinggan ang devotional (audio o video) nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga sumusunod na tanong (tandaan, manalangin muna bago mag-usap):
1. Ano ang kahulugan ng tunay na pagsamba?
2. Bakit mahalaga na malaman natin ang kahulugan ng tunay na pagsamba?
3. Paano natin mapapatupad ang katotohanan na ito sa ating karanasan ngayon?
Main Idea: “Ang tunay na pagsamba ay espirituwal at may kinalaman sa tunay na relasyon, kahit saan pa ang lugar nito.” (“True worship is spiritual and relational, regardless of the place.”)
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.