Understanding Scripture Through Jesus
DAILY DEVOTIONAL (6-30-2021)
25 Sinabi sa kanila ni Jesus, “Kay hahangal ninyo! Kay kukupad ninyong maniwala sa lahat ng sinasabi ng mga propeta! 26 Hindi ba’t kailangang ang Cristo ay magtiis ng lahat ng ito bago siya pumasok sa kanyang kaluwalhatian?” 27 At ipinaliwanag sa kanila ni Jesus ang lahat ng sinasabi sa Kasulatan tungkol sa kanya, simula sa mga aklat ni Moises hanggang sa mga sinulat ng mga propeta… 30 Nang siya’y kasalo na nila sa pagkain, dumampot siya ng tinapay at nagpasalamat sa Diyos; pagkatapos, pinagpira-piraso iyon at ibinigay sa kanila. 31 Noon nabuksan ang kanilang mga mata at nakilala nila si Jesus, subalit siya’y biglang nawala sa kanilang paningin. 32 Nasabi nila sa isa’t isa, “Kaya pala nag-aalab ang ating puso habang tayo’y kinakausap niya sa daan at ipinapaliwanag sa atin ang mga Kasulatan!” (Lucas 24:25-27, 30-32)
Paliwanag
Kailangan natin mag-aral ng salita ng Diyos. Hindi tayo lalago sa ating pananampalataya kung ayon lamang sa pakiramdam, tradisyon, o haka-haka ang mga pinaniniwalaan natin. Dapat ito ay ayon sa salita ng Diyos. Narito ang katotohanan. Ngunit huwag natin kalilimutan na mauunawaan lamang natin ang salita ng Diyos sa pamamagitan ni Jesus. Siya lamang ang maaari magbigay sa atin ng kakayanan at kaliwanagan upang maunawaan natin ang katotohanan.
Gabay para sa Online Small Group Discussion
Step 1 – Basahin prayerfully ang konteksto (Lucas 24:13-35).
Step 2 – Pakinggan ang devotional (audio o video) nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga sumusunod na tanong (tandaan, manalangin muna bago mag-usap):
1. Paano natin mauunawaan nang mabuti ang salita ng Diyos?
2. Bakit mahalaga na magtiwala tayo kay Jesus para maunawaan natin ang salita ng Diyos?
3. Paano mo ito isasagawa sa iyong buhay?
Main Idea: “Si Jesus lang ang maaari magbigay sa atin ng totoong pagkakaunawa sa salita ng Diyos.” (“Only Jesus can give us the true understanding of the Scriptures.”)
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.