Understanding A Person’s Spiritual Journey So Far
DAILY DEVOTIONAL (9-30-2021)
13 For you have heard of my previous way of life in Judaism, how intensely I persecuted the church of God and tried to destroy it. 14 I was advancing in Judaism beyond many of my own age among my people and was extremely zealous for the traditions of my fathers. 15 But when God, who set me apart from my mother’s womb and called me by his grace, was pleased 16 to reveal his Son in me so that I might preach him among the Gentiles, my immediate response was not to consult any human being. 17 I did not go up to Jerusalem to see those who were apostles before I was, but I went into Arabia. Later I returned to Damascus. (Galatians 1:13-17)
13 Hindi kaila sa inyo kung paano ako namuhay noon bilang kaanib ng relihiyon ng mga Judio. Walang awa kong inusig ang iglesya ng Diyos at sinikap na ito’y wasakin. 14 Sa relihiyon ng mga Judio, nahigitan ko ang maraming kasing-edad ko at ako’y lubhang masugid sa kaugalian ng aming mga ninuno. 15 Ngunit dahil sa kagandahang-loob ng Diyos, pinili niya ako bago pa ako ipanganak at tinawag upang maglingkod sa kanya. 16 Nang minabuti niyang ihayag sa akin ang kanyang Anak upang maipangaral ko siya sa mga Hentil, hindi ako sumangguni sa sinumang tao. 17 Ni hindi rin ako nagpunta sa Jerusalem upang makipagkita sa mga apostol na nauna sa akin; sa halip, nagpunta ako sa Arabia, at pagkatapos ay bumalik ako sa Damasco. (Galacia 1:13-17)
Paliwanag
Para matulungan natin ang isang tao, kailangan maunawaan natin ang kwento ng kanilang espirituwal na paglalakbay. Dito nag-uumpisa ang kanilang kalayaan sa Panginoon. Lahat ng tao ay may mga karanasan na nakaapekto sa kanilang pagkatao, mabuti man ito o masama. Sa pamamagitan ng pagsalaysay ng ating nakaraan, nararanasan natin ang pagtitiwala ang pagkalinga sa isa’t isa.
Gabay para sa Small Group Discussion
Step 1 – Basahin ang konteksto (Galacia 1:13-17).
Step 2 – Pakinggan ang devotional nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ito.
1. Bakit mahirap isalaysay ang ating nakaraan sa ibang tao?
2. Ano ang naidudulot ng pagsalaysay natin ng ating nakaraan lalo na sa isang espirituwal na kaibigan?
3. Paano natin matutulungan ang isa’t isa patungkol dito?
Main Idea: “Para matulungan natin ang isang tao, kailangan maunawaan natin ang kwento ng kanilang espirituwal na paglalakbay.” (“To help a person, understand his/her spiritual journey so far.”)
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.