Training For Transformation
DAILY DEVOTIONAL (6-11-2021)
7 Huwag mong pag-aksayahan ng panahon ang mga alamat na walang halaga; sa halip, sanayin mo ang iyong sarili sa maka-Diyos na pamumuhay. 8 Sa pagsasanay ng katawan ay mayroon ding pakinabang, ngunit ang maka-Diyos na pamumuhay ay mapapakinabangan sa lahat ng paraan, sapagkat ito’y may pangako hindi lamang para sa buhay na ito ngayon, kundi maging sa buhay na darating. 9 Totoo ang salitang ito at dapat paniwalaan ng lahat. 10 Dahil dito, nagsisikap tayo[a] at nagpapagal, sapagkat umaasa tayo sa Diyos na buháy at Tagapagligtas ng lahat ng mga tao, lalo na ng mga sumasampalataya. (1 Timoteo 4:7-10)
Paliwanag
May mga tao na nagsasabi na napakahirap maging Kristyano. Ginagawa nila ang lahat para sumunod sa mga utos ng Diyos ngunit madalas sila ay nabibigo. Kaya madalas sumusuko na lang sila o kaya ay tinatanggap na lang nila ang kasabihan na wala naman perfecto na tao. Hindi nila nauunawaan na ang pagbabago ay hindi sa pamamagitan ng pagpupumilit kundi sa pamamagitan ng pagsasanay.
Gabay para sa Online Small Group Discussion
Step 1 – Basahin prayerfully ang konteksto (1 Timoteo 4:7-10).
Step 2 – Pakinggan ang devotional (audio o video) nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga sumusunod na tanong (tandaan, manalangin muna bago mag-usap):
1. Bakit nahihirapan ang marami na mamuhay bilang Kristyano?
2. Ano ang dapat natin maunawaan patungkol sa pamumuhay bilang Kristyano?
3. Paano mo ito ipapatupad sa iyong buhay?
Main Idea: “Ang pagbabago ay hindi sa pamamagitan ng pagpupumilit kundi sa pamamagitan ng pagsasanay.” (“Transformation is not trying hard but training regularly.”)
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.