The True Foundation Of Your Spiritual Transformation In Christ
DAILY DEVOTIONAL (11-30-2021)
4 But because of his great love for us, God, who is rich in mercy, 5 made us alive with Christ even when we were dead in transgressions—it is by grace you have been saved. 6 And God raised us up with Christ and seated us with him in the heavenly realms in Christ Jesus, 7 in order that in the coming ages he might show the incomparable riches of his grace, expressed in his kindness to us in Christ Jesus. (Ephesians 2:4-7)
4 Subalit napakasagana ng habag ng Diyos at napakadakila ng pag-ibig niya sa atin. 5 Tayo’y binuhay niyang kasama ni Cristo noong tayo’y mga patay pa dahil sa ating pagsuway. Naligtas nga kayo dahil sa kanyang kagandahang-loob. 6 Dahil sa ating pakikipag-isa kay Cristo Jesus, tayo’y muling binuhay na kasama niya upang mamunong kasama niya sa kalangitan. 7 Ginawa niya ito upang sa darating na mga panahon ay maipakita niya ang di-masukat na kasaganaan ng kanyang kagandahang-loob, sa kabutihan niya sa atin sa pamamagitan ni Cristo Jesus. (Efeso 2:4-7)
Paliwanag
Hindi tayo nagsusumikap na maging mabait at katanggap-tanggap sa Diyos. Ginawa na ng Diyos ang himala. Tinaas Niya tayo kasama ni Cristo kahit nuong makasalanan pa tayo. Ang pagtaas sa atin kasama ni Cristo ang tunay na pundasyon ng ating espirituwal na pagbabago.
[bctt tweet=”Ang pagtaas sa atin kasama ni Cristo ang tunay na pundasyon ng ating espirituwal na pagbabago.” username=”rlccphil”]
Gabay para sa Small Group Discussion
Step 1 – Basahin ang konteksto (Efeso 2:4-7).
Step 2 – Pakinggan ang devotional nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga Discussion Questions.
Discussion Questions
1. Bakit nahihirapan tayo sa ating pagsusumikap upang maging mabait at katanggap-tanggap sa Diyos?
2. Ano ang susi para sa ating ganap na pagbabago?
3. Paano natin mapapaalalahanan ang isa’t isa patungkol dito?
Main Idea
“Ang pagtaas sa iyo kasama ni Cristo ang tunay na pundasyon ng iyong espirituwal na pagbabago.” (“Your elevation with Christ is the true foundation of your spiritual transformation in Christ.”)
[bctt tweet=”Your elevation with Christ is the true foundation of your spiritual transformation in Christ.” username=”rlccphil”]
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.