The Secret of Being Content
DAILY DEVOTIONAL (2-18-2022)
10 I rejoiced greatly in the Lord that at last you renewed your concern for me. Indeed, you were concerned, but you had no opportunity to show it. 11 I am not saying this because I am in need, for I have learned to be content whatever the circumstances. 12 I know what it is to be in need, and I know what it is to have plenty. I have learned the secret of being content in any and every situation, whether well fed or hungry, whether living in plenty or in want. 13 I can do all this through him who gives me strength. 14 Yet it was good of you to share in my troubles. (Philippians 4:10-14)
10 Labis akong nagagalak sa Panginoon sapagkat pagkaraan ng mahabang panahon, minsan pang ipinamalas ninyo ang inyong pagmamalasakit sa akin. Alam kong hindi ninyo ako nalilimutan, wala nga lamang kayong pagkakataong ipamalas ito. 11 Hindi ko sinasabi ito dahil sa kayo’y pinaghahanapan ko ng tulong. Natutunan ko nang masiyahan, maging anuman ang aking kalagayan. 12 Alam ko kung paano maghikahos; alam ko rin kung paano managana; natutunan ko na ang sikreto kung paano masiyahan sa anumang kalagayan sa buhay, ang mabusog o ang magutom, ang managana o ang maghirap. 13 Ang lahat ng ito’y magagawa ko dahil sa lakas na kaloob sa akin ni Cristo. 14 Gayunman, ikinagagalak ko ang inyong pagdamay sa aking mga paghihirap. (Filipos 4:10-14)
Paliwanag
Marami sa mga tao ang hindi masaya sa pangkasalukuyan. Meron sila inaasahan na maaari hindi pa nangyayari. O kaya ay naalaala nila ang nakaraan. Ito ang dahilan kung bakit hindi rin sila masaya. Ngunit ang kasiyahan ay pagtitiwala sa Panginoon anuman ang sitwasyon.
[bctt tweet=”Ang kasiyahan ay pagtitiwala sa Panginoon anuman ang sitwasyon.” username=”rlccphil”]
Gabay para sa Small Group Discussion
Step 1 – Basahin ang konteksto (Filipos 4:10-14).
Step 2 – Pakinggan ang devotional nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga Discussion Questions.
Discussion Questions
1. Bakit marami sa mga mananampalataya ang hindi masaya sa pangkasalukuyan?
2. Paano nararansan ang tunay na kasiyahan o yung pagiging kontento?
3. Paano mo ito maipapatupad sa praktikal na pamamaraan?
Main Idea
“Ang kasiyahan ay pagtitiwala sa Panginoon anuman ang sitwasyon.” (“Contentment is trusting the Lord regardless of the situation.”)
[bctt tweet=”Contentment is trusting the Lord regardless of the situation.” username=”rlccphil”]
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.