The Process of Transformation
DAILY DEVOTIONAL (6-10-2021)
20 Hindi ganyan ang natutunan ninyo tungkol kay Cristo. 21 Napakinggan na ninyo ang aral ni Jesus at natutunan na ninyo ang katotohanang nasa kanya. 22 Iwan na ninyo ang dating pamumuhay. Hubarin na ninyo ang inyong dating pagkatao na nasisira dahil sa masasamang pagnanasa. 23 Magbago na kayo ng diwa at pag-iisip; 24 at ang dapat ninyong isuot ay ang bagong pagkatao na nilikhang kalarawan ng Diyos, at nahahayag sa matuwid at banal na pamumuhay ayon sa katotohanan. (Efeso 4:20-24)
Paliwanag
Maraming mga mananampalataya (at ibang tao rin) ang nadidismaya sa kanilang sarili kapag hindi nila nakikita ang tunay na pagbabago sa kanilang pagkatao. Ito ay dahil hindi nila nauunawaan ang tamang proseso ng pagbabago. Hanggang hindi natin nakikita nang malinaw, pinipili, at ipinapatupad ang katotohanan mula sa Diyos, hindi natin mararanasan ang tunay na pagbabago sa ating buhay.
Gabay para sa Online Small Group Discussion
Step 1 – Basahin prayerfully ang konteksto (Efeso 4:20-24).
Step 2 – Pakinggan ang devotional (audio o video) nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga sumusunod na tanong (tandaan, manalangin muna bago mag-usap):
1. Ano ang madalas na reaksyon ng mga tao kapag nakikita nila na walang pagbabago sa kanilang pagkatao?
2. Ano ang dapat mangyari para magkaroon ng tunay na pagbabago sa ating pagkatao?
3. Ano ang gagawin mo para matupad ito sa iyong buhay sa mga darating na araw?
Main Idea: “Ang pagbabago ay nangyayari lamang kapag nakikita, pinipili, at ipinapatupad mo ang katotohanan mula sa Diyos.” (“Transformation happens only when you envision, choose, and apply God’s truth.”)
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.