The Priorities of the Christian Life
DAILY DEVOTIONAL (1-7-2022)
15 Be very careful, then, how you live—not as unwise but as wise, 16 making the most of every opportunity, because the days are evil. 17 Therefore do not be foolish, but understand what the Lord’s will is. 18 Do not get drunk on wine, which leads to debauchery. Instead, be filled with the Spirit, 19 speaking to one another with psalms, hymns, and songs from the Spirit. Sing and make music from your heart to the Lord, 20 always giving thanks to God the Father for everything, in the name of our Lord Jesus Christ. 21 Submit to one another out of reverence for Christ. (Ephesians 5:15-21)
15 Kaya’t mag-ingat kayo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino at di tulad ng mga mangmang. 16 Gamitin ninyo nang lubusan para sa mabuti ang bawat pagkakataon, sapagkat puno ng kasamaan ang kasalukuyang panahon. 17 Huwag kayong maging hangal. Sa halip, unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon. 18 Huwag kayong maglalasing, sapagkat sisirain lamang niyan ang inyong buhay. Sa halip ay dapat kayong mapuspos ng Espiritu. 19 Sa inyong pag-uusap gumamit kayo ng mga salmo, mga himno at mga awiting espirituwal; buong puso kayong umawit at magpuri sa Panginoon. 20 Lagi kayong magpasalamat sa Diyos na ating Ama dahil sa lahat ng bagay, sa pangalan ng ating Panginoong Jesu-Cristo. 21 Pasakop kayo sa isa’t isa bilang tanda ng inyong paggalang kay Cristo. (Efeso 5:15-21)
Paliwanag
Ang ating tunay na pagkatao kay Cristo ang dapat magpasiya kung ano ang prayoridad natin. Maraming tao, kasama na ang mga mananampalataya, ang nag-aaksaya ng kanilang oras. Maraming pwede na pagkaabalahan. Ngunit hindi lahat ay mahalaga. Dapat magkaroon tayo ng prayoridad sa mga bagay na may kinalaman sa kalooban ng Diyos.
[bctt tweet=”Ang ating tunay na pagkatao kay Cristo ang dapat magpasiya kung ano ang prayoridad natin.” username=”rlccphil”]
Gabay para sa Small Group Discussion
Step 1 – Basahin ang konteksto (Efeso 5:15-21).
Step 2 – Pakinggan ang devotional nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga Discussion Questions.
Discussion Questions
1. Bakit nasasayang ang panahon sa buhay ng maraming tao, kasama ang mga mananampalataya?
2. Ano ang dapat maging prayoridad natin bilang mga alagad ni Cristo?
3. Paano natin ipatutupad ito?
Main Idea
“Ang ating tunay na pagkatao kay Cristo ang dapat magpasiya kung ano ang prayoridad natin.” (“Our true identity in Christ should determine our priorities.”)
[bctt tweet=”Our true identity in Christ should determine our priorities.” username=”rlccphil”]
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.