The Need For God-Centered Conversations
DAILY DEVOTIONAL (11-16-2021)
1 Paul, an apostle of Christ Jesus by the will of God, To God’s holy people in Ephesus, the faithful in Christ Jesus: 2 Grace and peace to you from God our Father and the Lord Jesus Christ. (Ephesians 1:1-2)
1 Mula kay Pablo, na apostol ni Cristo Jesus ayon sa kalooban ng Diyos, Para sa mga hinirang ng Diyos na nasa Efeso at tapat na sumasampalataya kay Cristo Jesus: 2 Sumainyo nawa ang kagandahang-loob at kapayapaang mula sa Diyos na ating Ama at sa Panginoong Jesu-Cristo. (Efeso 1:1-2)
Paliwanag
Dapat i-sentro natin sa Diyos ang ating pag-uusap upang maibalik ang atensiyon ng mga tao sa Kanya. Sa panahon natin ngayon, marami sa mga mananampalataya ang wala ng sigasig sa Panginoon. Marami rin ang hindi nakakakilala sa Diyos. Kung hindi natin ito pag-uusapan, paano maibabalik ang atensiyon ng mga tao sa Kanyang katotohanan?
Gabay para sa Small Group Discussion
Step 1 – Basahin ang konteksto (Efeso 1:1-2).
Step 2 – Pakinggan ang devotional nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga Discussion Questions.
Discussion Questions
1. Bakit nanlalamig ang mga mananampalataya sa Diyos sa panahon natin ngayon?
2. Paano natin maibabalik ang sigasig ng mga tao sa layunin at presensiya ng Diyos?
3. Ano ang maaari natin magawa para mapatupad ito?
Main Idea
“Dapat i-sentro natin sa Diyos ang ating pag-uusap upang maibalik ang atensiyon ng mga tao sa Kanya.” (“We need God-centered conversations that can restore people’s focus on God.”)
[bctt tweet=”We need God-centered conversations that can restore people’s focus on God.” username=””]
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.