The Nature of True Faith
DAILY DEVOTIONAL (5-6-2022)
13 It was not through the law that Abraham and his offspring received the promise that he would be heir of the world, but through the righteousness that comes by faith. 14 For if those who depend on the law are heirs, faith means nothing and the promise is worthless, 15 because the law brings wrath. And where there is no law there is no transgression. 16 Therefore, the promise comes by faith, so that it may be by grace and may be guaranteed to all Abraham’s offspring—not only to those who are of the law but also to those who have the faith of Abraham. He is the father of us all. 17 As it is written: “I have made you a father of many nations.” He is our father in the sight of God, in whom he believed—the God who gives life to the dead and calls into being things that were not. 18 Against all hope, Abraham in hope believed and so became the father of many nations, just as it had been said to him, “So shall your offspring be.” 19 Without weakening in his faith, he faced the fact that his body was as good as dead—since he was about a hundred years old—and that Sarah’s womb was also dead. 20 Yet he did not waver through unbelief regarding the promise of God, but was strengthened in his faith and gave glory to God, 21 being fully persuaded that God had power to do what he had promised. 22 This is why “it was credited to him as righteousness.” (Romans 4:13-22)
13 Ipinangako ng Diyos kay Abraham at sa kanyang magiging lahi na mamanahin nila ang buong mundo, hindi dahil sa pagsunod niya sa Kautusan, kundi dahil sa siya’y itinuring na matuwid sa pamamagitan ng kanyang pananampalataya sa Diyos. 14 Kung ang pangako ay ipagkakaloob lamang sa mga sumusunod sa Kautusan, walang saysay ang pananampalataya ng tao at walang kabuluhan ang pangako ng Diyos. 15 Ang Kautusan ay nagdadala ng poot ng Diyos sa mga lumalabag. Ngunit kung walang kautusan, wala ring paglabag. 16 Kaya nga’t sa pananampalataya nababatay ang pangako, upang ito’y maibigay bilang walang bayad na kaloob para sa lahat ng anak ni Abraham; hindi lamang sa mga saklaw ng Kautusan, kundi sa lahat ng sumasampalataya rin tulad ni Abraham. Sapagkat siya ang ama nating lahat, 17 gaya ng nasusulat, “Ginawa kitang ama ng maraming bansa.” Ang pangakong ito’y may bisa sa harap ng Diyos na kanyang sinampalatayanan, ang Diyos na bumubuhay sa mga patay at lumilikha ng mga bagay na hindi pa nalilikha. 18 Kahit wala nang pag-asang magkaanak, nanalig pa rin si Abraham na siya’y magiging ama ng maraming bansa, ayon sa sinabi sa kanya, “Sindami ng mga bituin ang iyong magiging lahi.” 19 Hindi nanghina ang kanyang pananampalataya kahit uugud-ugod na siya, palibhasa’y isandaang taon na siya noon, at ang kanya namang asawang si Sara ay baog. 20 Hindi siya nag-alinlangan sa pangako ng Diyos. Sa halip, lalo siyang lumakas dahil sa kanyang pananampalataya at nagpuri pa sa Diyos. 21 Lubos siyang naniwala na tutuparin ng Diyos ang ipinangako nito. 22 Kaya’t dahil sa kanyang pananampalataya, siya’y itinuring na matuwid ng Diyos. (Romans 4:13-22)
Paliwanag
Ang tunay na pananampalataya ay hindi tungkol sa atin kundi tungkol sa Diyos. Hindi ito tungkol sa kakayanan natin kundi sa Kanyang mga pangako, biyaya, at kapangyarihan. Nananampalataya tayo sa Diyos, hindi sa kakayanan natin na manampalataya.
[bctt tweet=”Ang tunay na pananampalataya ay hindi tungkol sa atin kundi tungkol sa Diyos.” username=”rlccphil”]
Gabay para sa Small Group Discussion
Step 1 – Basahin ang konteksto (Roma 4:13-22).
Step 2 – Pakinggan ang devotional nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga Discussion Questions.
Discussion Questions
1. Ano ang madalas na pagkaunawa ng mga tao sa pananampalataya?
2. Bakit mahalaga na maunawaan natin ang kahulugan ng tunay na pananampalataya?
3. Paano mo ito ipatutupad sa iyong buhay ngayon?
Main Idea
“Ang tunay na pananampalataya ay hindi tungkol sa atin kundi tungkol sa Diyos.” (“True faith is not about us but about God.”)
[bctt tweet=”True faith is not about us but about God.” username=”rlccphil”]
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.