The Nature of True Conversion
DAILY DEVOTIONAL (3-30-2022)
13 For you have heard of my previous way of life in Judaism, how intensely I persecuted the church of God and tried to destroy it. 14 I was advancing in Judaism beyond many of my own age among my people and was extremely zealous for the traditions of my fathers. 15 But when God, who set me apart from my mother’s womb and called me by his grace, was pleased 16 to reveal his Son in me so that I might preach him among the Gentiles, my immediate response was not to consult any human being. 17 I did not go up to Jerusalem to see those who were apostles before I was, but I went into Arabia. Later I returned to Damascus. 18 Then after three years, I went up to Jerusalem to get acquainted with Cephas and stayed with him fifteen days. 19 I saw none of the other apostles—only James, the Lord’s brother. 20 I assure you before God that what I am writing you is no lie. 21 Then I went to Syria and Cilicia. 22 I was personally unknown to the churches of Judea that are in Christ. 23 They only heard the report: “The man who formerly persecuted us is now preaching the faith he once tried to destroy.” 24 And they praised God because of me. (Galatians 1:13-24)
13 Hindi kaila sa inyo kung paano ako namuhay noon bilang kaanib ng relihiyon ng mga Judio. Walang awa kong inusig ang iglesya ng Diyos at sinikap na ito’y wasakin. 14 Sa relihiyon ng mga Judio, nahigitan ko ang maraming kasing-edad ko at ako’y lubhang masugid sa kaugalian ng aming mga ninuno. 15 Ngunit dahil sa kagandahang-loob ng Diyos, pinili niya ako bago pa ako ipanganak at tinawag upang maglingkod sa kanya. 16 Nang minabuti niyang ihayag sa akin ang kanyang Anak upang maipangaral ko siya sa mga Hentil, hindi ako sumangguni sa sinumang tao. 17 Ni hindi rin ako nagpunta sa Jerusalem upang makipagkita sa mga apostol na nauna sa akin; sa halip, nagpunta ako sa Arabia, at pagkatapos ay bumalik ako sa Damasco. 18 Pagkaraan ng tatlong taon, pumunta ako sa Jerusalem upang makipag-usap kay Pedro, at labinlimang araw kaming nagkasama. 19 Wala akong nakitang iba pang apostol maliban kay Santiago na kapatid ng Panginoon. 20 Totoong lahat ang isinusulat ko sa inyo. Alam ng Diyos na hindi ako nagsisinungaling. 21 Pagkatapos, pumunta ako sa ilang lugar sa Siria at sa Cilicia. 22 Hindi pa ako kilala noon ng mga mananampalataya kay Cristo na nasa Judea. 23 Nakarating lamang sa kanila ang ganitong balita, “Ang dating umuusig sa atin ay nangangaral na ngayon ng pananampalatayang dati’y sinikap niyang wasakin.” 24 Kaya’t nagpuri sila sa Diyos dahil sa akin. (Galacia 1:13-24)
Paliwanag
Ang tunay na pagbabalik-loob ay laging kuwento ng pagbabago na nagmumula sa kapangyarihan ng Diyos. Ito ay totoo sa lahat ng tunay na nakakilala kay Cristo. Sila ay binago ng Diyos at ito ang kanilang patotoo sa lahat ng tao.
[bctt tweet=”Ang tunay na pagbabalik-loob ay laging kuwento ng pagbabago na nagmumula sa kapangyarihan ng Diyos.” username=”rlccphil”]
Gabay para sa Small Group Discussion
Step 1 – Basahin ang konteksto (Galacia 1:13-24).
Step 2 – Pakinggan ang devotional nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga Discussion Questions.
Discussion Questions
1. Bakit mahalaga na magkaroon tayo ng malinaw na patotoo patungkol sa ating pagbabago kay Cristo?
2. Paano natin magagawa ito?
3. Isalaysay ang iyong kwento ng pagbabago sa iyong grupo.
Main Idea
“Ang tunay na pagbabalik-loob ay laging kuwento ng pagbabago na nagmumula sa kapangyarihan ng Diyos.” (“True conversion is always a story of God’s transforming power.”)
[bctt tweet=”True conversion is always a story of God’s transforming power.” username=”rlccphil”]
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.