The Nature of God’s Mercy
DAILY DEVOTIONAL (5-27-2022)
14 What then shall we say? Is God unjust? Not at all! 15 For he says to Moses, “I will have mercy on whom I have mercy, and I will have compassion on whom I have compassion.” 16 It does not, therefore, depend on human desire or effort, but on God’s mercy. 17 For Scripture says to Pharaoh: “I raised you up for this very purpose, that I might display my power in you and that my name might be proclaimed in all the earth.” 18 Therefore God has mercy on whom he wants to have mercy, and he hardens whom he wants to harden. 19 One of you will say to me: “Then why does God still blame us? For who is able to resist his will?” 20 But who are you, a human being, to talk back to God? “Shall what is formed say to the one who formed it, ‘Why did you make me like this?’” 21 Does not the potter have the right to make out of the same lump of clay some pottery for special purposes and some for common use? 22 What if God, although choosing to show his wrath and make his power known, bore with great patience the objects of his wrath—prepared for destruction? 23 What if he did this to make the riches of his glory known to the objects of his mercy, whom he prepared in advance for glory— 24 even us, whom he also called, not only from the Jews but also from the Gentiles? 25 As he says in Hosea: “I will call them ‘my people’ who are not my people; and I will call her ‘my loved one’ who is not my loved one,” 26 and, “In the very place where it was said to them, ‘You are not my people,’ there they will be called ‘children of the living God.’” 27 Isaiah cries out concerning Israel: “Though the number of the Israelites be like the sand by the sea, only the remnant will be saved. 28 For the Lord will carry out his sentence on earth with speed and finality.” 29 It is just as Isaiah said previously: “Unless the Lord Almighty had left us descendants, we would have become like Sodom, we would have been like Gomorrah.” (Romans 9:14-29)
14 Masasabi ba nating hindi makatarungan ang Diyos dahil dito? Hinding-hindi! 15 Sapagkat ganito ang sabi niya kay Moises, “Mahahabag ako sa nais kong kahabagan at maaawa ako sa nais kong kaawaan.” 16 Maliwanag kung gayon, na ang pasya ng Diyos ay nababatay sa kanyang habag, at hindi sa kagustuhan o pagsisikap ng tao. 17 Sapagkat ayon sa kasulatan ay sinabi niya sa hari ng Egipto, “Ginawa kitang hari upang sa pamamagitan mo’y maipakita ko ang aking kapangyarihan, at maipahayag ang aking pangalan sa buong daigdig.” 18 Kaya nga’t kinahahabagan ng Diyos ang sinumang nais niyang kahabagan, at pinagmamatigas ang nais niyang maging matigas ang ulo. 19 Sasabihin mo naman sa akin, “Kung gayon, bakit pa sinisisi ng Diyos ang tao? Sino ba ang makakasalungat sa kanyang kalooban?” 20 Tao ka lamang, sino kang mangangahas na sumagot nang ganoon sa Diyos? Masasabi kaya ng isang hinuhubog sa kanyang manghuhubog, “Bakit ninyo ako ginawang ganito?” 21 Wala bang karapatan ang gumagawa ng palayok na bumuo ng mamahalin o mumurahing sisidlan mula sa iisang tumpok ng putik? 22 Kaya, kahit nais nang ipakita noon ng Diyos ang kanyang poot at ipakilala ang kanyang kapangyarihan, buong tiyaga pa rin niyang pinagtiisan ang mga taong dapat sana’y parusahan at lipulin. 23 Ginawa niya iyon upang ipakilala ang kanyang walang kapantay na kadakilaan sa mga taong kanyang kinahabagan, na noong una pa’y inihanda na niya para sa kaluwalhatian. 24 Tayo ang mga taong iyon na tinawag niya hindi lamang mula sa mga Judio subalit mula rin sa mga Hentil. 25 Ganito ang sinasabi niya sa aklat ni Oseas, “Ang dating hindi ko bayan ay tatawaging ‘Bayan ko,’ at ang dating hindi ko mahal ay tatawaging ‘Mahal ko.’ 26 At sa lugar kung saan sinabing ‘Kayo’y hindi ko bayan,’ sila’y tatawaging mga anak ng Diyos na buháy.” 27 Ito naman ang ipinahayag ni Isaias tungkol sa Israel, “Kahit na maging kasindami ng buhangin sa dagat ang bilang ng mga anak ni Israel, kaunti lamang ang matitira sa kanila na maliligtas. 28 Sapagkat mahigpit at mabilis na hahatulan ng Panginoon ang daigdig.” 29 Si Isaias din ang nagsabi, “Kung ang Makapangyarihang Panginoon ay hindi nagtira ng ilan sa ating lahi, tayo sana’y naging katulad ng Sodoma at Gomorra.” (Roma 9:14-29)
Paliwanag
Ang Diyos ay makapangyarihan at mapagbiyaya sa pagpapakita ng awa. Ipinapakita Niya ang Kanyang awa ayon sa Kanyang sariling desisyon. Hindi natin pwede pilitin Siya pagdating sa Kanyang awa. Ayon sa Kanyang biyaya rin, ipinapakita Niya ang Kanyang awa sa atin sa pamamagitan ng Mabuting Balita.
[bctt tweet=”Ang Diyos ay makapangyarihan at mapagbiyaya sa pagpapakita ng awa.” username=”rlccphil”]
Gabay para sa Small Group Discussion
Step 1 – Basahin ang konteksto (Roma 9:14-29).
Step 2 – Pakinggan ang devotional nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga Discussion Questions.
Discussion Questions
1. Ano ang paniniwala ng karamihan patungkol sa awa ng Diyos?
2. Ano ang katotohanan patungkol dito ayon kay apostol Pablo?
3. Paano mo ito ipatutupad bilang prinsipyo sa iyong buhay?
Main Idea
“Ang Diyos ay makapangyarihan at mapagbiyaya sa pagpapakita ng awa.” (“God is sovereign and gracious in showing mercy.”)
[bctt tweet=”God is sovereign and gracious in showing mercy.” username=”rlccphil”]
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.