The Mission of Jesus
DAILY DEVOTIONAL (7-26-2022)
14 Jesus returned to Galilee in the power of the Spirit, and news about him spread through the whole countryside. 15 He was teaching in their synagogues, and everyone praised him. 16 He went to Nazareth, where he had been brought up, and on the Sabbath day he went into the synagogue, as was his custom. He stood up to read, 17 and the scroll of the prophet Isaiah was handed to him. Unrolling it, he found the place where it is written: 18 “The Spirit of the Lord is on me, because he has anointed me to proclaim good news to the poor. He has sent me to proclaim freedom for the prisoners and recovery of sight for the blind, to set the oppressed free, 19 to proclaim the year of the Lord’s favor.” 20 Then he rolled up the scroll, gave it back to the attendant and sat down. The eyes of everyone in the synagogue were fastened on him. 21 He began by saying to them, “Today this scripture is fulfilled in your hearing.” 22 All spoke well of him and were amazed at the gracious words that came from his lips. “Isn’t this Joseph’s son?” they asked. 23 Jesus said to them, “Surely you will quote this proverb to me: ‘Physician, heal yourself!’ And you will tell me, ‘Do here in your hometown what we have heard that you did in Capernaum.’” 24 “Truly I tell you,” he continued, “no prophet is accepted in his hometown. 25 I assure you that there were many widows in Israel in Elijah’s time, when the sky was shut for three and a half years and there was a severe famine throughout the land. 26 Yet Elijah was not sent to any of them, but to a widow in Zarephath in the region of Sidon. 27 And there were many in Israel with leprosy in the time of Elisha the prophet, yet not one of them was cleansed—only Naaman the Syrian.” 28 All the people in the synagogue were furious when they heard this. 29 They got up, drove him out of the town, and took him to the brow of the hill on which the town was built, in order to throw him off the cliff. 30 But he walked right through the crowd and went on his way. (Luke 4:14-30)
14 Bumalik sa Galilea si Jesus taglay ang kapangyarihan ng Espiritu Santo. Napabalita sa mga karatig-bayan ang tungkol sa kanya. 15 Nagturo siya sa kanilang mga sinagoga at hinangaan siya ng lahat. 16 Pumunta si Jesus sa Nazaret, ang bayan kung saan siya lumaki. Gaya ng kanyang nakaugalian, pumasok siya sa sinagoga nang Araw ng Pamamahinga. Tumayo siya upang bumasa ng kasulatan, 17 at ibinigay sa kanya ang aklat ni Propeta Isaias. Binuksan niya ito sa dakong kinasusulatan ng ganito: 18 “Ang Espiritu ng Panginoon ay sumasaakin, sapagkat hinirang niya ako upang ipangaral sa mga mahihirap ang Magandang Balita. Isinugo niya ako upang ipahayag sa mga bihag na sila’y lalaya, at sa mga bulag na sila’y makakakita. Isinugo ako upang palayain ang mga inaapi, 19 at upang ipahayag ang panahon ng pagliligtas ng Panginoon.” 20 Inirolyo niya ang kasulatan, isinauli sa tagapag-ingat at siya’y naupo. Nakatitig sa kanya ang lahat ng nasa sinagoga, 21 at sinabi niya sa kanila, “Ang kasulatang ito na inyong narinig ay natupad ngayon.” 22 Pinuri siya ng lahat, at humanga sila sa kanyang napakahusay na pananalita. “Hindi ba ito ang anak ni Jose?” tanong nila. 23 Kaya’t sinabi ni Jesus, “Tiyak na sasabihin ninyo sa akin ang kasabihang ito, ‘Manggagamot, gamutin mo muna ang iyong sarili!’ Marahil, sasabihin pa ninyo, ‘Gawin mo rin dito sa iyong sariling bayan ang mga nabalitaan naming ginawa mo sa Capernaum.’ 24 Tandaan ninyo, walang propetang kinikilala sa kanyang sariling bayan. 25 Ngunit sinasabi ko sa inyo, maraming biyuda sa Israel noong panahon ni Elias nang hindi umulan sa loob ng tatlo’t kalahating taon at nagkaroon ng taggutom sa buong lupain. 26 Subalit hindi pinapunta si Elias sa kaninuman sa kanila, kundi sa isang biyuda sa Sarepta, sa lupain ng Sidon. 27 Sa dinami-dami ng mga may ketong sa Israel noong panahon ni Eliseo, wala ni isa mang pinagaling at nilinis maliban kay Naaman, na isang taga-Siria.” 28 Nagalit ang lahat ng nasa sinagoga nang marinig ito. 29 Nagsitayo sila at itinaboy siyang palabas papunta sa gilid ng bundok na kinatatayuan ng bayan upang ihulog siya sa bangin. 30 Ngunit dumaan siya sa kalagitnaan nila at umalis. (Lucas 4:14-30)
Paliwanag
Ang manampalataya kay Jesus ay ang maranasan ang katuparan ng Kanyang misyon sa atin. Hindi natin maaari sabihin na kilala natin ang Panginoon kung hindi natin nararanasan ang katuparan ng Kanyang misyon sa ating buhay. Narito ang katotohanan: Hindi mabibigo si Jesus sa Kanyang layunin. Kung meron kabiguan, ito ay ating pananagutan.
[bctt tweet=”Ang manampalataya kay Jesus ay ang maranasan ang katuparan ng Kanyang misyon sa atin.” username=”rlccphil”]
Gabay para sa Small Group Discussion
Step 1 – Basahin ang konteksto (Lucas 4:14-30).
Step 2 – Pakinggan ang devotional nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga Discussion Questions.
Discussion Questions
1. Bakit mahalaga na maunawaan natin ang misyon ni Jesus?
2. Ano ang misyon ni Jesus para sa atin?
3. Paano mo ipatutupad ito sa iyong buhay?
Main Idea
“Ang manampalataya kay Jesus ay ang maranasan ang katuparan ng Kanyang misyon sa atin.” (“Faith in Jesus means His mission is being fulfilled in us.”)
[bctt tweet=”Faith in Jesus means His mission is being fulfilled in us.” username=”rlccphil”]
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.