The Leadership of the Holy Spirit
DAILY DEVOTIONAL (1-4-2022)
29 Do not let any unwholesome talk come out of your mouths, but only what is helpful for building others up according to their needs, that it may benefit those who listen. 30 And do not grieve the Holy Spirit of God, with whom you were sealed for the day of redemption. 31 Get rid of all bitterness, rage and anger, brawling and slander, along with every form of malice. 32 Be kind and compassionate to one another, forgiving each other, just as in Christ God forgave you. 5 1 Follow God’s example, therefore, as dearly loved children 2 and walk in the way of love, just as Christ loved us and gave himself up for us as a fragrant offering and sacrifice to God. (Ephesians 4:29-5:2)
29 Huwag kayong gumamit ng masasamang salita kundi iyong makapagpapalakas at angkop sa pagkakataon upang makapagdulot ng mabuti sa mga nakakarinig. 30 At huwag ninyong saktan ang kalooban ng Espiritu Santo, sapagkat siya ang tatak ng Diyos sa inyo, ang katibayan na kayo’y tutubusin pagdating ng takdang araw. 31 Alisin na ninyo ang lahat ng sama ng loob, poot at galit; huwag na kayong mambubulyaw, manlalait at mananakit ng damdamin ng kapwa. 32 Sa halip, maging mabait kayo at maawain; magpatawad kayo sa isa’t isa tulad ng pagpapatawad sa inyo ng Diyos dahil kay Cristo. 1 Yamang kayo’y mga anak na minamahal ng Diyos, tularan ninyo siya. 2 Mamuhay kayo nang may pagmamahal tulad ni Cristo; dahil sa kanyang pagmamahal sa atin, inialay niya ang kanyang buhay bilang mabangong alay at handog sa Diyos. (Efeso 4:29-5:2)
Paliwanag
Magbabago lamang tayo kung susunod tayo sa Banal na Espiritu. Hindi natin kaya baguhin ang ating sarili. Pero kung makikinig tayo sa Banal na Espiritu, at susunod tayo sa Kanya, maaari magbago ang ating buong pagkatao. Ito ang layunin ng Diyos, na maging katulad tayo ng ating Panginoong Jesus sa ating pagkatao, pananalita, at pag-uugali.
[bctt tweet=”Magbabago lamang tayo kung susunod tayo sa Banal na Espiritu.” username=”rlccphil”]
Gabay para sa Small Group Discussion
Step 1 – Basahin ang konteksto (Efeso 4:29-5:2).
Step 2 – Pakinggan ang devotional nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga Discussion Questions.
Discussion Questions
1. Bakit nahihirapan tayo na makaranas ng tunay na pagbabago?
2. Paano natin mararanasan ang tunay na pagbabago?
3. Paano natin ipapatupad ito sa ating buhay?
Main Idea
“Magbabago lamang tayo kung susunod tayo sa Banal na Espiritu.” (“We can only be transformed by obeying the Holy Spirit.”)
[bctt tweet=”We can only be transformed by obeying the Holy Spirit.” username=”rlccphil”]
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.