The Key To Unity
DAILY DEVOTIONAL (2-1-2022)
1 Therefore if you have any encouragement from being united with Christ, if any comfort from his love, if any common sharing in the Spirit, if any tenderness and compassion, 2 then make my joy complete by being like-minded, having the same love, being one in spirit and of one mind. 3 Do nothing out of selfish ambition or vain conceit. Rather, in humility value others above yourselves, 4 not looking to your own interests but each of you to the interests of the others. (Philippians 2:1-4)
1 Kaya nga, yamang mayroong kasiglahan ang buhay kay Cristo, mayroong kaaliwan ng pag-ibig, mayroong pakikiisa ng Espiritu Santo, at mayroong kagandahang-loob at malasakit para sa isa’t isa, 2 lubusin ninyo ang aking kagalakan; magkaroon kayo ng iisang kaisipan, mabuklod kayo sa iisang pag-ibig, at magkaisa kayo sa puso’t diwa. 3 Huwag kayong gumawa ng anuman dahil sa pansariling layunin o pagyayabang; sa halip, bilang tanda ng pagpapakumbaba, ituring ninyong higit ang iba kaysa inyong mga sarili. 4 Pagmalasakitan ninyo ang kapakanan ng iba, at hindi lamang ang sa inyong sarili. (Filipos 2:1-4)
Paliwanag
Ang susi para sa pagkakaisa ay kababaan ng loob. Kapag ang nangingibabaw ay kayabangan, walang pagkakaisa. Ngunit ang kababaan ng loob ay hindi basta nangyayari. Ito ay bunga ng Espiritu Santo at naaayon sa pagsunod natin sa Kanyang pagkilos sa ating buhay.
[bctt tweet=”Ang susi para sa pagkakaisa ay kababaan ng loob.” username=”rlccphil”]
Gabay para sa Small Group Discussion
Step 1 – Basahin ang konteksto (Filipos 2:1-4).
Step 2 – Pakinggan ang devotional nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga Discussion Questions.
Discussion Questions
1. Bakit mahirap makamtan ang pagkakaisa sa mundong ito?
2. Ano ang susi para sa pagkakaisa?
3. Paano ito nakakamtan at ano ang dapat natin gawin para makamtan ito?
Main Idea
“Ang susi para sa pagkakaisa ay kababaan ng loob.” (“The key to unity is humility.”)
[bctt tweet=”The key to unity is humility.” username=”rlccphil”]
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.