The Key To Spiritual Vitality
DAILY DEVOTIONAL (12-9-2021)
14 For this reason I kneel before the Father, 15 from whom every family in heaven and on earth derives its name. 16 I pray that out of his glorious riches he may strengthen you with power through his Spirit in your inner being, 17 so that Christ may dwell in your hearts through faith. And I pray that you, being rooted and established in love, 18 may have power, together with all the Lord’s holy people, to grasp how wide and long and high and deep is the love of Christ, 19 and to know this love that surpasses knowledge—that you may be filled to the measure of all the fullness of God. 20 Now to him who is able to do immeasurably more than all we ask or imagine, according to his power that is at work within us, 21 to him be glory in the church and in Christ Jesus throughout all generations, for ever and ever! Amen. (Ephesians 3:14-21)
14 Dahil dito, ako’y lumuluhod sa harapan ng Ama, 15 na mula sa kanya’y nagkakaroon ng pangalan ang bawat sambahayan sa langit at sa lupa. 16 Idinadalangin kong sa pamamagitan ng kanyang Espiritu ay palakasin niya ang inyong buhay espirituwal ayon sa kanyang kayamanan at kadakilaan. 17 Nawa’y manatili si Cristo sa inyong mga puso sa pamamagitan ng inyong pananalig. Dalangin ko na ang pag-ibig ang maging ugat at pundasyon sa lahat ng inyong gawain 18 upang inyong lubusang maunawaan, kasama ng mga hinirang ng Diyos, kung gaano kalawak, kahaba, kataas, at kalalim ang kanyang pag-ibig. 19 At nawa’y maunawaan ninyo ang pag-ibig ni Cristo na hindi kayang abutin ng pag-iisip at sa gayo’y mapuspos kayo ng buong katangian ng Diyos. 20 Sa kanya na makakagawa nang higit pa kaysa maaari nating hilingin at isipin, sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihang kumikilos sa atin; 21 sa kanya nawa ang kaluwalhatian sa pamamagitan ng iglesya at ni Cristo Jesus sa lahat ng salinlahi magpakailanman! Amen. (Efeso 3:14-21)
Paliwanag
Ang susi sa espirituwal na kalusugan ay ang maghangad at umasa nang higit pa sa ating relasyon sa Diyos. Hindi dapat tayo makontento sa mababaw na karanasan pagdating sa relasyon natin sa Panginoon. Sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, maaari tayong lumago at lumalim sa ating kaugnayan sa Kanya. Kaya’t ipanalangin natin ito palagi.
[bctt tweet=”Ang susi sa espirituwal na kalusugan ay ang maghangad at umasa nang higit pa sa ating relasyon sa Diyos.” username=”rlccphil”]
Gabay para sa Small Group Discussion
Step 1 – Basahin ang konteksto (Efeso 3:14-21).
Step 2 – Pakinggan ang devotional nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga Discussion Questions.
Discussion Questions
1. Bakit kontento ang ilan sa mababaw na relasyon sa Panginoon?
2. Ano ang dapat natin naisin sa ating relasyon sa Panginoon?
3. Ano ang gagawin mo para mangyari ito sa iyong buhay?
Main Idea
“Ang susi sa espirituwal na kalusugan ay ang maghangad at umasa nang higit pa sa ating relasyon sa Diyos.” (“The key to spiritual vitality is to desire and expect more in our relationship with God.”)
[bctt tweet=”The key to spiritual vitality is to desire and expect more in our relationship with God.” username=”rlccphil”]
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.