The Importance of Faith in the Gospel
DAILY DEVOTIONAL (4-6-2022)
6 So also Abraham “believed God, and it was credited to him as righteousness.” 7 Understand, then, that those who have faith are children of Abraham. 8 Scripture foresaw that God would justify the Gentiles by faith, and announced the gospel in advance to Abraham: “All nations will be blessed through you.” 9 So those who rely on faith are blessed along with Abraham, the man of faith. 10 For all who rely on the works of the law are under a curse, as it is written: “Cursed is everyone who does not continue to do everything written in the Book of the Law.” 11 Clearly no one who relies on the law is justified before God, because “the righteous will live by faith.” 12 The law is not based on faith; on the contrary, it says, “The person who does these things will live by them.” 13 Christ redeemed us from the curse of the law by becoming a curse for us, for it is written: “Cursed is everyone who is hung on a pole.” 14 He redeemed us in order that the blessing given to Abraham might come to the Gentiles through Christ Jesus, so that by faith we might receive the promise of the Spirit. (Galatians 3:6-14)
6 Tulad ng nangyari kay Abraham, “Sumampalataya siya sa Diyos, at dahil dito, siya’y itinuring ng Diyos na matuwid.” 7 Kung gayon, maliwanag na ang mga nananalig sa Diyos ang mga tunay na anak ni Abraham. 8 Bago pa ito nangyari ay ipinahayag na ng kasulatan na pawawalang-sala ng Diyos ang mga Hentil sa pamamagitan ng pananampalataya. Ang Magandang Balitang ito ay ipinahayag na kay Abraham, “Sa pamamagitan mo’y pagpapalain ang lahat ng bansa.” 9 Kaya naman pagpapalain ang mga sumasampalataya tulad ni Abraham na sumampalataya. 10 Ang lahat ng nagtitiwala sa pagsunod sa Kautusan ay nasa ilalim ng isang sumpa. Sapagkat nasusulat, “Sumpain ang hindi sumusunod sa lahat ng nakasulat sa aklat ng Kautusan.” 11 Malinaw na walang taong pinapawalang-sala sa paningin ng Diyos sa pamamagitan ng Kautusan, sapagkat sinasabi ng kasulatan, “Ang itinuring ng Diyos na matuwid sa pamamagitan ng pananampalataya ay mabubuhay.” 12 Ang Kautusan ay hindi nakabatay sa pananampalataya, sapagkat sinasabi ng kasulatan, “Ang tumutupad sa lahat ng itinatakda ng Kautusan ay mabubuhay sa pamamagitan ng mga ito.” 13 Tinubos tayo ni Cristo mula sa sumpa ng Kautusan nang siya ay isinumpa para sa atin, sapagkat nasusulat, “Isinumpa ang bawat binibitay sa punongkahoy.” 14 Ginawa ito ni Cristo upang ang mga pagpapalang ipinangako ng Diyos kay Abraham ay makamtan din ng mga Hentil sa pamamagitan ni Cristo Jesus at sa pamamagitan ng pananalig ay matanggap natin ang Espiritung ipinangako ng Diyos. (Galacia 3:6-14)
Paliwanag
Tanging pananampalataya lamang sa Ebanghelyo ang magbibigay ng pagpapala at magliligtas sa atin. Wala ng iba. Kaya hindi natin dapat bitawan ang pananampalataya natin sa Ebanghelyo. Dapat magpatuloy tayo araw-araw sa pagtitiwala kay Jesus.
[bctt tweet=”Tanging pananampalataya lamang sa Ebanghelyo ang magbibigay ng pagpapala at magliligtas sa atin.” username=”rlccphil”]
Gabay para sa Small Group Discussion
Step 1 – Basahin ang konteksto (Galacia 3:6-14).
Step 2 – Pakinggan ang devotional nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga Discussion Questions.
Discussion Questions
1. Bakit tinatalikuran ng mga tao ang pagtitiwala kay Cristo?
2. Bakit mahalaga na huwag natin talikuran ang ating pagtitiwala kay Cristo?
3. Paano mo ito ipapatupad sa buhay mo ngayon?
Main Idea
“Tanging pananampalataya lamang sa Ebanghelyo ang magbibigay ng pagpapala at magliligtas sa atin.” (“Only faith in the Gospel can bless us and save us.”)
[bctt tweet=”Only faith in the Gospel can bless us and save us.” username=”rlccphil”]
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.